RN! YAY! Tips to pass the NLE

Pagkakita ko sa mga questions ng examination noong December 2011, confident na ako na papasa ako. Hindi siya mahirap kung nag-aral ka at di rin naman sya madali kung natulog ka lang buong review days.

Second timer na ako. Noong first time na nagtake ako, mahirap ang exam kasi di ako nag-aral. Kaya ko naman pala pumasa, bakit ko pa pinaabot ng pangalawa. 2008 noong naggraduate ako. Nagreview ako for three months sa ______. Di na ako magbabanggit ng pangalan ng review center. OK yung review, feeling ko talaga papasa ako eh. Sabi nung review center sa amin, sila na daw bahala magfile ng papers naming mga nagrereview. Syempre, I took advantage of that. Ayaw ko kasi pumunta ng Manila, tamad ako talaga. At ang focus ko noon sa mga notebooks ko at lectures.

Unfortunately, hindi na-i-file ang papers namin sa PRC. Biglang nadown ako noon. Yung positivity na papasa ako biglang nawala. Naisipan kong magwork. Sabi ni mama, magtake na lang daw ako ng exam ng Dec 2008.

Pero nag-enjoy ako sa work. Opo, nagwork ako sa call center at kumita ng maraming anda. Madami akong nakilala doon, mga RNs na sila at mga promoted na sila sa call center na pinagtatrabahuhan ko.

September 2009 nang ako naman ang napromote. Nag-enjoy talaga ako sa work ko.  Sobrang saya lang! November 2009 din nung nagfile ako ng papers para magtake ng unang board exam ko.

Hindi na ako magdadahilan na busy ako sa work o kung anuman. Tamad ako. Ni hindi ko bimuklat ang mga lectures sa dating review. As in wala lang.

Nung nakita ko yung exam questions, di ko alam kung san nakuha yung mga tanong. Alam ko na na hindi ako papasa. Nagsisi ako noon. Sana nagbigay ako ng time sa sarili ko na magreview.

February, lumabas na ang result at hindi ako kasama. Malungkot ako sa totoo lang. Kasi alam ko naman na kasalanan ko talaga.

September 2011, naghanap na ako ng review center. At nahanap ko sya sa Angeles City.  Noong nagrereview kami, parang wala akong natutunan noong college ako. Nalimutan ko na silang lahat. Kasi naman ang nasa isip ko na lang eh puro alt+esv, service level, cms monitoring, excel files… Haaayyyy. Mahirap pala ang ganito! Nakakahiya pa sa mga naging friends ko sa review center, ang galing nila. Ako laging 50% ang nakukuha ko sa exam na ang passing eh 70%. Naiiyak ako minsan kasi kahit nalagas na yung kilay ko kakareview hanggang 4am, iyon pa rin ang score ko. Sabi ko babawi talaga ako.

Gradual ang pag-increase ng score ko sa mini exams sa review center. At least nakikita ko na nag-iimprove naman ako.

Gumawa ako ng list noong nagrereview ako. Ito yun:

  1. Bawal uminom ng alak. – kayang kaya!
  2. Bawal magfacebook. – tiis lang, makakabalik ka din!
  3. Bawal magsims. – well, 6 hours kasi ako maglaro nito kaya, no, no!
  4. Matulog kung inaantok. – tama, walang sense kapag nagreview ka pa, wala ng papasok sa kukute ko!
  5. Kumain sa oras. – mahirap magreview kung walang sugar ang utak!
  6. Magreview hanggat kaya pa. – kung kaya pa naman, itodo mo na, konting kayod lang, andun ka na sa listahan!
  7. Rest day is rest day.  pwede mong gawin ang gusto mong gawin kapag rest day. Kaso ako, ang option ko lang matulog at magbasa ng nakaraang mini exam ng review center.
  8. Pray – ito ang nagpalakas ng loob ko talaga!
  9. Mangarap na ang name ay nasa List of RNs for Dec 2011 – tamaaaaa! pangarapin mo na siya! Kung pwede, pangarapin mo na nasa top 10 list ka!
  10. Read lectures pag-uwi ng bahay – oo, para wala ka nang ibang gagawin kundi ang magreview.

Yan ang mga nagawa ko nung nagtake ako ng second exam. Basta tatagan mo lang ang sarili mo sa laban. Samahan mo ng pagdarasal. At effort kung effort hanggang matandaan mo ang mga bagay na mahirap. Papasa ka, alam ko. At magiging RN tayo!

 

Featured image: http://www.suna.org

GIF : http://www.mikesfreegifs.com/main4/artsycutesy/dialog01.gif

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s