Late post

Sa mga nakakaintindi, thank you. Sa hindi, okay. 🙂 Nagstart ang week ng OJT ko na may sobrang babang stat. Kung ako ang recruitment, siguro papaalisin ko na ang sarili ko. Nakakahiya lang masyado. Anyway, kelangan lang talaga ng pukpok para maging OK ang lahat.

Nagwork ako sa callcenter at sa 3 years na nagstay ako, yung 2 years nun, nagsupport na ako. Wala na akong alam, as in blangko. Tapos nabakante ako ng 1 year, so asa pa ako na may alam pa ako. Hahaha.

Ngayon, nagsimula ulit ako. Sabi nga ng ka-team ko na itago natin sa pangalang Peter North Versoza, mas magandang magsimula sa mababa. Out of 100% kamusta naman ang 36.67%?

Di ko rin alam kung nagtatanga tangahan ako o talagang di pa nakaset sa utak ko na “ito na yan, bakla!” May mga oras talaga na di umaandar ang utak ko eh. Hahaha.

May mga oras din na may mga taong nagdadown sayo, pero SUGOD lang. Sino ba sila? Ito lang masasabi ko sa’yo, wag kang masyadong magmamalaki kapag di ka naman tinatanong. Di ako interested. Wala akong pakialam kung magaling ka sa lahat ng bagay gaya ng mga pag-eere mo sa akin. Wag mo lang ipagduldulan na tanga ako at ikaw lang ang MAGALING. Kasi kung magaling ka talaga, dapat di ka lang AGENT ngayon.

Sumegway lang ako kasi naiinis ako talaga. Hahaha.

Ngayon, balik agent ako. Oo, nakakamiss talaga maging support, sabi nga ni Kuya Dan. Pero gusto ko magsimula na ganito, payapa at matiwasay. Wow. Ang lakas ng PEACE. Hippie teh?

Basta ngayon, masaya ako. Kahit di ako ganun kagaling ngayon, gagaling din ako. Hahahahahaha.

Motivation, syempre, fortnightly SWELDO! Yay. May mga utang kasi na dapat bayaran. Hahaha.

At bago ako magset-up ng tools, may natatangi akong “EMAIL CHARM” na kulang na lang e i-password protect ko. Kapag nababasa ko to, namomotivate ako na kaya ko naman, tiyagaan lang talaga. Share ko lang.

Just to let you know that Mary May provided a valuable service to me today.
My business always values clear communication, asking good questions to understand the problem and then tailoring answers to solve the customer issues. My husband and I experienced this kind of high quality support in our Tech Help session with your Representative, Mary May today, Sept 2.  Mary pursued my issues with patience, balance, and thoroughness expeditiously. She maintained the multiple connections without loss, remained focused. I feel my time was respected. She spontaneously utilized reassurance and “next step” guidance to maintain the flow of the session. Great job!

Lakas maka Mary May ano? Nakakatuwa kapag ganito ang mga customers. Naapreciate nila yung effort. 🙂

Photocredit to: http://www.bestwestern.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s