Tricycle Drivers

Wala po akong galit sa LAHAT ng tricycle drivers. Mangilan ngilan lang. May experiences ako na isheshare na nabubwisit ako.  Kasumpa sumpa.

Ang tricycle driver na kung makapaningil ay parang aircon bus na may wifi. Kanina, sumakay ako ng jeep, hindi na sila nagbaba sa SM Pampanga. Doon kasi sila nagbababa ng pasahero. Masyadong maaga kaya di na sila nagbaba ng pasahero doon kaya sa Intersection ng San Fernando na lang ako bumaba. Malakas ang ulan pero nakasilong naman ako. May nag-approach sa akin na lalaki, sabi nya sa terminal lang daw yung Genesis. Naisip ko hindi naman, pero nag-insist sya na doon daw. Dahil kelangan ko pa tumawid at sumakay ng jeep papuntang SM para duon sumakay at sobrang lakas ng ulan, sumakay na lang ako sa tricycle dahil sabi nya doon daw talaga ang GENESIS. Sabi n’ya 60 pesos daw na sobrang mahal. Parang tumatae lang ng pera. Pero sabi ko yun na lang kesa di ako makasakay. Pag dating doon, nagbayad ako ng 100 pesos at naghihintay ng sukli. Sabi nya wala daw sya panukli. Sabi ko walang palitan sa lugar na yon dahil sarado ang mga tindahan sa CENTRAL TERMINAL. Sabi nya 70 pesos daw ang bayad. Di ba ho, sixty lang manong? Sabi nya, traffic kasi. Sabi ko, so pag sakto ang pera ko kukulangin ako, ganun? Sabi nya meron lang daw syang 24 pesos. Sabi ko, style nyo po bulok. Sugapa. Sayong sayo na 100 pesos ko. Lahat ng masama ata naisip ko na nun. Sobrang inis ko talaga. Pagdating ko ng terminal, walang bus. Sabi nung kunduktor, wala daw dumadaan na Genesis duon. Tawid na lang daw ako ng daan, doon daw meron. Buti na lang tumila na ang ulan. At sa wakas na, nakasakay ako. Imagine, 70 pesos sa kaunting byahe nya. Ginto ba gasolina mo kuya? Sa Genesis, mula San Fernando hanggang Bataan 100 pesos lang. Sa’yo?  Ay naku. Karma karma na lang.

 

Ang Tricycle driver na sugapa sa pera at walang galang sa nakatatanda. Sa Central terminal ng Bataan kanina, umuulan na naman. Pauwi na ako ng bahay galing sa San Fernando. May isang matanda na gusto sumakay sa Palengke. Dahil pila, kelangan magbayad ni nanay ng 30 pesos kung  mag-isa lang nya babyahe. Walang pumapansin kay nanay na tricycle kasi alam nila na mag-isa lang nya. At kahit may papunta man sa rutang palengke, mas inuuna pa ng mga tricycle na itanong kung “BYAHE NA?”

Tinanong ako ng driver, sabi ko sa Bataan Homes po. Sabi nya, byahe na ma’am? “Sabi ko, isabay na natin si nanay kuya.  Dadaan din naman.” Sabi nya, 20 ang bayad ko, at 10 kay nanay. Sa akin okay lang naman yun kahit hindi fair yung hati. Wala lang yun. Pera lang yan. Tapos biglang sumigaw yung driver nang, “palengke! sakay kayo!” Sabi ko, “30 na nga po ipababayad namin, hahakot pa kayo ng pasahero. ”  Pinauna ko sumakay si nanay dahil yun ang dapat gawin. Dahil yun ang pagRESPETO. Sabi ng driver “Bakit pinauna mo siya? Mahihirapan ka bumaba.” Sabi ko, “di po problema yun, pwede po ako bumaba ulit at sumakay ulit sa inyo. Mababasa si nanay ng ulan. Sabi ng driver, “mahihirapan ka kasi may tarapal.” Sabi ko, “Matanda na po si nanay at nakasakay nya, gusto nyo po ba ulit bumaba sya at ako ang mauna?” Wala syang nagawa kundi umandar. 

Mga PESTE. Kaya walang sumasakay masyado sa tricycle dahil may mga bulok na ganito ang ugali. Walang disiplina. Walang galang. Sana madami pang tricycle driver na mabubuti. Pero halos lahat ng naencounter ko ganito ang ugali. Nakakabwisit. Mga tricycle drivers na mababait – pangaralan po natin yung mga ganito nating kasama sa trabaho. Lahat po tayo, pinaghihirapan kitain ang pera. Di po nila kelangan manloko ng kapwa.

 

Image : http://www.arthurpeter.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s