Gabriel

Gusto ko lang i-share sa inyo ang super cute na pamangkin ko. Noong time na di pa ako nag-a-asawa, sya ang alaga ko palagi. Kaya feeling tuloy ng pamangkin ko, anak ko siya. DSC_0096Lagi ko namimiss pamangkin ko. Dahil 5 years old na sya ngayon, mas nasasabi nya na namimiss na nya ako at wag na raw ako aalis doon sa Bataan. O kaya naman, sasama na lang daw siya dito sa Manila. 🙂 Pwede naman kaso nakaenroll na kasi siya at di naman pwede basta-basta na lang sya mag-aabsent sa school. Kaya lagi ko na lang sya dinadalaw sa Bataan. At kapag nasa Bataan naman ako, ipinagluluto ko sya ng mga favorite nyang food – Carbonara, Chicken, at Pancit Canton. Kapag may extra naman akong pera, kumakain kaming dalawa sa Mcdo. Ang panay nyang inoorder ay Chicken Nuggets. Kapag wala naman kaming magawa, nagpupunta kami sa may Park doon sa Dona Francisca, naglalaro sya sa playground. Tapos bibili na sya ng cotton candy nya. Panay lang syang nakadikit sa akin kapag umuuwi ako. Hanggang matulog dapat tabi kami. At pag nagising sya na wala ako sa tabi nya, iyak ng iyak. 😥

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s