Perfect Timing

Gusto ko lang magkwento.

Noong highschool ako, sobra yung excitement ko dahil mag-aaral na ako ng college. Sa Baguio ako nag-exam. Pumasa ako sa course na ECE. Ang saya saya ko non! Sobrang nag-aaral ako talaga. Kaso, may mga bagay talaga na kahit paghirapan mo, hindi pa sayo. Sabi nga ni Robin ng How I met your mother, timing is a b*tch.

Kahit anong hirap kong mag-aral, di talaga ako pumapasa sa isang subject. Kaya naman naisipan ko ng magtransfer ng school at magpalit ng course. Sa dami ng course na pwede kong pasukan, Nursing ang naisip ko.

Ok naman sya nung unang semester. Ang taas nga ng grade ko e! Proud na proud ako nun. Kaso, nagkabisyo naman ako. Yes, umiinom ako pero yung talaga naadik ako yung pagbabanda. Na-enjoy ko naman talaga yung banda nun. Kasi sino ba naman ang hihindi kung kunin kang bokalista diba? Dati sa banyo ka lang nagcoconcert, ngayon binibayaran ka pa ng bar kada kanta mo.

12963401_10205024500566160_7615370863593699332_n (1)

Simple Rhythm πŸ™‚

Eh tapos, perfect timing din na nagkahiwahiwalay kami dahil nag-away away na kami. Ayun, itinigil ko na ang pag-awit. Nakabuo sila ng banda nila noon. Ako naman bitter na bitter hahaha. Pagkatapos umuwi na ako ng Bataan. Galit na galit nanay ko nun sa akin, syempre ang laki na ng nagastos nila na di ko naman naappreciate nun.

Kung may pinagsisihan man ako siguro yung di ko man lang iniayos ang pag-aaral ko. Kaya nung nauntog na ako sa pader at sinabi ng nanay ko na wag na lang ako mag-aral, dun ako nabigyan ng chance. Nag-aral ako ng Nursing, kahit hindi ko masyadong gusto. Pumapasa ako at ayos na ayos yung grade ko. Eventually, nagustuhan ko sya lalo na pag nagduduty kami sa hospital, tuwang tuwa ako kapag toxic yung duty namin.

Naggraduate ako, na hindi man lang ako nahirapan manguha ng cases kasi naenjoy ko talaga lahat ng ginawa ko nun. Gabi gabi nagpupuyat ako tapos pumapasa ako parati sa major exams. Tuwang tuwa talaga ako na hindi ko na kelangan magretake.

Sabi ko nun kay mama, ako na lang mag-isa magrereview pero sabi nya magreview center ako. Dahil nga naenjoy ko naman ang pag-aaral, nakaset na utak ko na magtatopnotcher ako, gagalingan ko at kelangan ko bumawi sa mga kalokohan ko. Patapos na ang review nun. Biglang sinabi ng Review Center namin – hindi na kayo makakapag-exam. 😦

Nawalan talaga ako ng gana noon. Ayaw ko na umulit ulit. Nakaset na ang utak ko. Kaya nagstop na ulit ako. Tanga ko lang nun, di ko na naman naisip na gumastos nga pala si mama sa review ko. E yung next na review namin ay libre hindi ko pa nagrab. 😦

Anyway, nagwork na agad ako sa callcenter after non. Ang galing din ng timing, sila pa ang pumunta ng Bataan para humanap ng agents. Dalawa lang kami nakapasok nun sa work.

Noong una ko sa call center, hirap na hirap ako talaga. Ang gagaling ng mga kasama ko. Ako nun, parang babagsak na talaga ako sa stats ko. Buti na lang, nurturing yung Twam Manager namin na si Boss Mel. Natuwa talaga ako, gradually tumataas ang stats ko! Naging Top 1 pa ako sa lahat ng sites ng account namin. Sobrang saya ko talaga nun!

Pagkatapos nun, pinag-apply ako ng TM ko for higher post. Nagtry ako sa Tier 2 post noon, di ako nakapasa. Nalungkot talaga ako. Pero may opening pala ng mas mataas na position, Workforce Management Analyst. Doon, nag-apply ulit ako. At ang galing! Nakapasok ako! Yay! ❀ Perfect timing!

After non, naisipan ko na magresign kasi parang may hinahanap ako na di ko alam. Nagsawa na ako sa work. Paulit ulit tapos kahit may friends ako sa work, feeling ko di naman na worth it yung pagod ko. Tinamad talaga ako nun. Tapos tinanong ni mama kung gusto ko ulit magreview. Noong una ang sagot ko, ayaw ko. Pero nauntog na ulit ako. Kesa tambay na naman ako sa bahay, magreview na lang ulit ako!

For 2 months, 2 hours per day lang ang tulog ko. Talagang tinodo ko yung review. Kahit alam kong ilang taon na rin bago ko ulit naalala yung mga nursing terminologies, itinodo ko na! Thank God, pumasa ako! yehey!

Pagkatapos nun, naghanap ako ng work. Syempre gusto ko naman kahit papano may pera ako hindi hingi ng hingi sa nanay, ayun nagcall center ulit ako. Akala ko nagsawa lang ako sa una kong company, ayun pala, sa work environment talaga. Pero push pa rin ako sa work kasi ayaw ko na maging choosy pa sa work. Ang tanda ko na para umasa pa sa nanay ko.

Ok na ok yung stats ko. Alam ko na-blog ko pa nga dito na inenjoy ko naman yung work ko. Yun lang, after 6 months, pinagresign na ako ng boss ko kasi di na daw kami needed. 😦 Siguro di talaga para sa akin.

Nagpasa ako ng resume bilang HR sa isang Japanese company. Pumasa ako! πŸ™‚ Tuwang tuwa ang nanay ko nun pinagpancit pa ako. Tapos sa may Medical Exam – bagsak daw ako. Kasi daw may mass daw na nakapa sa breast ko. 😦 Kinabahan ako nun. Nerbyos talaga pati nanay ko. Tapos tinawagan ko yung Recruitment nila. Ayun pala, naipagpalit yung result ko sa isang babae. 😦 Hanggang sa hinayaan ko na lang. Kung sa recruitment nga nila palpak na sila, sa mismong work pa kaya? Pero sayang din yun e. Work na, naglaho pa πŸ˜₯

Sabi ko noon, magwowork na ako. So kahit ano talaga pinapasahan ko. Pati nga call center kung san nagtatrabaho yung asawa ko, nagpasa din ako e. Pero sabi ng asawa ko, wala na daw. Nagreview pa naman ako nun ng todo sa networking basics. 😦

Ngayon ang next step ko, kukuha ako ng units para makapag LET ako. Magtiteacher ako. Gagalingan ko sa exam. Pramis ko yan sa sarili ko. Alam ko hindi pa ngayon ang tamang panahon. Binib*tch pa ako ng time ngayon. Pero di pa rin ako susuko. Gagalingan ko sa schooling ko!

Wish me luck,

emsaymada ❀

Photoby : Mentalfloss.com

https://www.google.com.ph/search?q=perfect+time&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj-3oug3fXNAhWBk5QKHfsKD0IQ_AUICCgB&biw=1360&bih=623#imgrc=GyP836fa9Va0cM%3A

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s