The Stella Mariz Project

Ready na ang lahat. Nakapagprepare na kami ng mga baon namin, mga damit na dadalhin sa beach at mga bagay bagay na gagawin namin doon. Ang dami naming naisip! Mula sa tent hanggang sa kakaining pagkain, prepared kami.

13612313_10209759811537762_9030654183349679499_n

With Jere, hubby, me, Irene and Lori

Naisipan naming gumala ng barkada at magcamp tutal mainit pa naman ang panahon at masarap magbeach. Ok na ok na ang plano. Pero dumating si Butchoy.

Kahit malayo si Butchoy sa Bataan, bigla na lang kaming hinabagat. ๐Ÿ˜ฆ Ang sad lang kasi kung kailan prepared na ang lahat doon umulan ng malakas. Ang plano sana naman na plan B eh magchill na lang kami sa bahay ng kabarkada namin, pero since ang tagal na ng planong ito, itinuloy pa rin namin.

Galing pa ng Pampanga ang friends ko, so ipinagluto namin sila ng lunch. Ang sarap ng lunch namin, sinigang na baka! Nauna na nga kumain yung asawa ko sa sobrang sarap nung baka. Tapos umuulan pa, edi parang ang sarap sarap talaga kumain ng may sabaw. ๐Ÿ™‚

13614956_10209759816497886_8553137944095783385_n

The gang

Dumating sila sakay ng kotse. Sa laki namin ng asawa ko, syempre magbabyahe na lang kami. Galing ng Balanga, magbabyahe kami ng 45 minutes papuntang Stella Mariz – yung beach na camping site din. Pagdating nila doon, ang pagkakadescribe nila, para daw gumuho na ang mundo. Yung mga cottage daw sira sira na at yung baha pa. So, nauwi kami ย sa plan C na since nasa Bagac naman na kami, mag-Morong na lang kami which is 30 minutes na byahe pa from Bagac. Nagsimula kami ng byahe ng 11 AM from Balanga at nakarating kami sa Morong ng 3 PM. Since busog naman kami, deretso na ang inuman namin ng Tequilla. Isinumpa ko ang araw na pumayag akong uminom non! Sa next post na lang siguro ang tungkol sa Tequilla. ๐Ÿ˜€ Mahaba masyado eh. For now, ipopost ko na lang yung mga pictures na kinuhanan ng isang kabarkada namin. ๐Ÿ™‚

13631439_10209759808937697_7174639109503442247_n

Blurred na kasi lasing na.

Umulit na naman ako ng blog kasing gulong-gulo na ako. Gusto kasi namin ng asawa ko na naka-consolidate lahat ng blogs namin. ๐Ÿ™‚ May plano kasi kami. Pero next time na yon. Ito munang blog ko ang aayusin ko.

XOXO,

Emsaymada โค

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s