Wedding on a budget

Believe me when I say, madaming madami ang pwedeng mabago sa plano n’yong wedding.

December 2014 namin naisipan magpakasal ng asawa ko. After namanhikan ng asawa ko, nagready na kami ng mga naplan namin na suppliers. Sa totoo lang, bago pa man mamanhikan, nakapagcanvass na kami.

Hindi naman magarbo talaga yung kasal namin. Naisip namin, since katatapos ng pasko, madami ang nagbabakasyon sa ibat ibang probinsya, so sa malamang, di naman makakaattend yung iba. At ang usapan namin, mag-iinvite lang kami ng kakilala namin talaga. Ayaw ko naman na sa kasal e may bumabati sa akin na di ko naman kilala. Ang awkward kaya nun.

Ang plano namin ng asawa ko, beach wedding. Yung tipong 1st degree na kamag-anak lang tapos mangilan-ngilan na friends. Pero di pumayag yung sa side ng mama ko. Ang gusto nila e nakawedding gown ako, which is lumihis sa plano naming mala-bohemian wedding. Gusto ko kasi nakaslippers lang sana ako, tapos may welcome slippers para sa bisita, mala-pinterest style.

Bago ko umpisahan, gusto ko muna sabihin to:

1. Magpakasal kung ready na kayo. Girls, wag maiinggit sa mga friends na nauna na. Guys, siguraduhing ready ka nang iwan ang mga ginagawa nung single ka pa.

2. Wag ipashoulder sa mga sponsors yung gastos even if they insist. Sa palagay ko, kailangan ng i-cut ang tradition na to kasi una, kaya ka magpapakasal, willing kang gumastos for your own. Kaya nga kayo magsosolo na kasi kaya nyo na. Kung di lumabas na maganda yung kasal mo, so? Ikagugunaw ba ng mundo mo yun? And ang importante dito yung kayong dalawa matapang nyong hinarap to. Hirap kaya magplan ng wedding. Well, kung kaya nyo naman gumastos ng bongga so be it.

3. Sabi nga ni Neri Naig, madami daw nagiisponsor sa wedding nila tapos syempre di nya gusto yung flowers edi para nga namang wedding na ng sponsors yun. So maganda pa rin within your budget pero taste mo pa rin.

4. Alisin na ang mentality na “minsan ka lang ikakasal kaya bonggahan mo na” kung sponsors lahat ng sasagot sa kasal mo. Kaya nga kayo bubukod kasi nga di ba yun na yun-kaya nyo nang magsarili. Edi sana, minsan ka na lang ikakasal mag invite tayo ng bigating sponsors para makatipid ang sinabi mo. Wag sugapa. And pumili ng sponsors na alam mong gagabayan kayo kung sakali na may away kayo ng asawa mo. Wag piliin ang sponsors dahil alam mong may pera or kakilala mo lang.

5. Di mo kailangang iinvite lahat. Maraming kokontra sayo dito pero kung di mo naman talaga kaclose, wag na. At kung nagtitipid ka naman talaga, maiintindihan ng friends mo na ito lang ang kaya mong imbitahin. Kung true friends sila, they will understand. 🙂

6.Ito yung ginawa ko na list sa suppliers ko.

Giveaways. Ang una kong naibook ay yung photobooth. Kasagsagan kasi ng hilig ng tao sa pictures noon kaya sabi ko ayun na lang yung parang pinakagive-away. Aanhin naman kasi nila yung mga giveaways na mga pangdisplay. Sa dami ng inanak ni mama sa kasal, yung mga ganun na pangdisplay itinatapon na dahil inaalikabok o kaya nababasag lang. Maganda na idea ang photobooth although napakadami ng gumagawa. Ang maganda naman kasi doon, since mahilig ang tao sa Facebook and Instagram, after nila magphotobooth, upload na agad sila. Kaya para sa akin, kahit gamit na gamit na ang idea ng photobooth – masasabi mong di nasayang ang pera mo! Gumastos lang kami ng P2000 para sa 3 hours na photobooth. Nakapromo sila ng panahon na iyon kaya nagpareserve na agad ako

Photography. Ito, medyo nagsisi ako na hindi ko pa dinagdagan ng konti ayos na sana ang pictures. Pero ok naman ang kinalabasan. Ang mahalaga e may maipapakita ako sa mga magiging anak ko na letrato namin ng daddy nila. Nasa P12000 ang photographer na nakuha namin. Ok naman sila. Yung tipong mga sa lumang kasal, yung mga lumang photographer, ganun. Pero ok lang, naisip ko naman kasi babawi na lang ako sa binyag ng anak ko. Bobonggahan ko na lang dun.

DSC_0323

costs 8000 only

Gown. Ito yung medyo nalungkot ako kasi naman P20000 ang nagastos ko. Ako, wala naman sa akin yung magarbong design o yung pangalan ng designer. So sa una, gumastos ako ng P12000 para sa tahi at tela.

small_Fustany-Fashion-Weddings-How-to-Hide-Belly-Fat-with-Your-Wedding-Dress-2

Ito dapat yung itsura ng unang gown ko.

Ok naman ang pag-uusap namin ng nanahi. Sobrang gaganda kasi ng display gown nila kaya tiwala ako. Noong ipinakita na ang finished product, doon na ako nastress! Grabe yung natahi nya, sana nga napicturan ko para masabi nyo na di sya pang wedding e.  Supposedly, ganito ang itsura nya, pero iba kasi ang lumabas na nagawa nila.Walang nagaya kahit isang elemento dun. Iyak na ako ng iyak. Buti na lang mabait yung asawa ko. Kinaumagahan nung pangyayari, pinapunta nya agad ako ng Manila para maghanap kami sa DIVI. Originally, nasa P10000 yung gown ko, pero ibinigay nya sa akin ng 8000 na lang kasi daw bueno mano. Buti naman!

Flowers. Sa flowers naman, 7000 pesos ang nagastos namin. Kasi friend ko naman yung naggagawa. Sabi ko sa kanya, yung sa simple lang. Tsaka kokonti lang naman kasi sponsors namin. Dalawang pairs lang so hindi talaga sya naging problema.

DSC_0448

Ayan yung bouquet ko at yung flowers sa simbahan.

Wedding Favors. Yung gifts namin sa mga Sponsors, Parker Pens. Nakasale kasi sya tapos libreng engraving. Namili kami worth P3000 para sa mga Ninang.

HMUA. Yung HMUA ko naman, sobrang kakilala ko na kasi sya. Friend ko sya. So yung package nya ng traditional make-up sa akin is 3000 pesos lang – take note kasama na ang abay, mga nanay, flower ladies, at isang ninang. Since highschool prom, sya na ang nagmemakeup sa akin, o kaya kung may mga events at kung napapasali ako sa sagala, sya talaga ang hiyang ng mukha ko. Sobrang galing nyang magmakeup. Kung gusto nyo na magpaquote sa kanya, please click this link

Invitation. Pinalay-out ko lang yung invites sa naggagawa ng tarp. 🙂 Ako sana kaso yung PC namin nung time na yon, sumabog eh. hahaha Nasira yung Videocard. P200 lang naman tapos less stress pa para sa akin. 🙂DSC_0006Ako na lang ang bumili ng maayos na paper. Bale yung printing, nasa 300 pesos lahat, tapos bumili ako ng maayos na gift wrapper at nag DIY ako ng stickers and envelope.

Engagement Session. Sabi namin, since wala naman kaming video sa kasal, ayusin na lang namin yung engagement session photo namin. Tsaka para maayos ayos naman yung pictures namin sa invitation namin. Kaya may maarte kaming pictures na makikita nyo sa aming FB page. Ang aming Photographer ay si Marvin Tagorio ng Snapper Box Studio. Naisip namin yung concept na yan since ayaw namin ni Jester maglalabas ng bahay. Ayan po talaga ang hilig namin na gawin, maglaro magdamag sa kwarto, kumain at matulog. So sabi namin, yung chill lang tayo, na parang nasa bahay lang. Bale 6000 pesos yan plus yung hair and makeup namin na 1500 from Joan Aya. (click nyo lang yung engagement session at lalabas na ang pictures namin haha)

Shoes. Sa akin 700 pesos lang dahil flats lang sya at ayaw ko matapilok. Sa Primadonna ko sya nabili and until now, nagagamit ko pa sya! Yung sa asawa ko naman, nabili nya na sale worth 600 pesos lang. 🙂 Di naman kasi sya mahilig magblack shoes so, ayun, ok pa rin hanggang ngayon yung shoes.

Bridesmaids gowns. Since dadalawa lang sila, pinakagift na namin yung gown na binili namin. RTW sya, galing sa DIVI. Yung maid of honor ko, red ang gown nya. Tapos, yung iba, pink, nude, at peach ang color choices nila. Sila na ang bahala sa kulay na gusto nila. Yung sa groomsman naman, 1000 lang kasi yung isa meron na syang suit eh. Tapos, sa mga flower ladies(since malalaki na sila) nagrent na lang kami. 800 pesos yung dalawa. Tapos kami na lang ang nagprovide ng bowtie sa mga chikiting na boys. Bale 100 na yung dalawa.

Simbahan at Stipend. Sa simbahan, 6000 ang binayaran namin. Yung sa stipend ng pari, since kaibigan ni mama and galing pa si father ng Bacolod, binigyan namin sya ng 2000. Nakakahiya naman kasi na pinapunta namin para lang dito. Naabala pa tuloy. Pero ang galing kasi nya magmisa at talagang makikinig ka sa sinasabi nya.

Musician. Para di naman boring yung reception, naghire kami ng Musician. Kakilala din ng mama ko so, pati yung sa choir and yung performance nila sa reception 6000 na lahat. 🙂

Catering. Basta ang kinuha namin ay pang 150 na tao kahit 100 lang ang aatend. WHY? kasi gusto namin silang mabusog. Dahil kamag anak naman namin halos ang umattend, pakain na ng todo. 🙂 Worth 37500 yung pang 150 pax.

Events Place. Kasama na ang cake at wine at mga anik anik, nasa 27000 ang nagastos namin.

Hotel and accomodation. Since pasko nun, nakapagrent kami ng Suite worth 3000 tapos two rooms na worth 2000 each. Tapos mabait pa sila, ang sabi nila eh pwede na kami pumunta ng maaga kahit 2pm pa ang check in 🙂

May nalimutan pa ba ako? AH ayun!

Rings. Di kaya ng budget namin yung gold. Nagopt kami na magtitanium kasi di naman sya nasisira. Worth 5000 na yung sa aming dalawa ng asawa ko.

Offering. Basta worth 1000 kasi apat na wine ata yun.

Groom. Since hindi naman kami petite ng asawa ko, worth 8000 yung suit nya pati yung pangloob na polo. 🙂

Ayan lang naman po yung mga natatandaan ko na major expenses sa kasal. Kung may gusto po kayong itanong about dyan, don’t hesitate to leave a comment. I’ll try my best to answer all of your inquiries. 🙂

 

Advertisements

One thought on “Wedding on a budget

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s