Confessions of a Ukayholic

Mahilig talaga akong mag-ukay. Nagsimula ang hilig ko sa ukay noong college. Grabe kasi si Mama non. Lagi sya nag-uukay tapos bibilhan nya kami. Tuwang-tuwa talaga ako sa nabibili ni Mama nun. Tapos nung nagkawork na ako, narealize ko mas OK ang ukay. At proud ako sabihin na ukay ang 80% ng wardrobe ko!

Sa Baguio, halos lahat ng tao, ang gagaling mag-ukay. Alam nila yung mga tatak at magkano mo sya mabibili. Yung mga nagtitinda nga ng ukay kapag branded ang benta nilalagay na nila sa espesyal na rack tapos mahal ang benta. Kaya tinuruan kami ng ate ng bestfriend ko na sa taas ng palengke, may naglalatag dun ng ukay sa gabi at madaling araw at walang pakialam sa tatak. Sabi nila bagong bukas yung karton na pinanggalingan nun at di pa talaga napapagpilian, kaya ang sarap maghukay.

Ngayon, kahit saang lupalop nga may ukay na e. Di ba nga nung bumagyo sa Tacloban nun, may gabundok na mga damit. Sa totoo lang, gusto ko mag-ukay roon nun. Pero nagtataka talaga ako, san nanggaling yung mga damit na yon? ANG DAMI TALAGA.

n0204ukay-ukay

Cebu Daily News Photo by: Norman V. Mendoza

Ito na ang tips ko, bago pa ako mainip sa sarili ko. 😀

  1. Tanungin ang nagbabantay kung kailang ang New Arrival. Kapag sinabi na ang date, pumunta ka limang araw bago ang New Arrival. Panigurado, bagsak presyo ng mga damit. Though mga napagpilian na ang mga damit, may makikita ka pa rin naman na ok eh. Tig-10 na nga lang choosy ka pa.
  2. Kung nakapili na ang damit, i-check ang mga sumusunod.
    1. Mantsa – kung meron, maalis pa ng laba?
    2. Tahi – baka naman hindi na nakakapit ang sinulid
    3. Amoy – baka may kung anong amoy na di na maalis ng sabon
    4. Yung tela – baka mahimulmol na
    5. Tatak – baka naman yung naihalo lang na nabibili sa palengke, minsan may ganito e
    6. Kilikili – icheck kung may butas or kung may baskil na di matanggal
    7. Kung mabling bling – tignan kung may naalis na. Minsan kasi dinidikit lang nila e
    8. Garter – baka maluwag na kita na pwet mo pag suot mo
  3. Be patient. Minsan may nakita ka na tapos di pala kasya sayo. O kaya nakita mo yung mga nasa number 2. OK lang yan. Ayan nga ang exciting sa UKAY. Ukay is like a box of chocolate, you’ll never know what you’re gonna get.
  4. Kung di naman sila nakasale, tawaran mo pa rin. OK lang tumawad. Naiintindihan nila yon.
  5. Be a suki. Maganda kung may palagi ka nang pinupuntahan na ukay – ukay. Kapag kilala ka ng bumibili, itetext ka pa nila pag simula na ng sale. O kaya malaki ang discounts na makukuha mo.
  6. Magdala ng tubig. Mahirap din kasi yung wala kang tubig. Medyo matagal mag-ukay kasi iisa-isahin mo talaga yan. Baka may magandang damit na nakalusot kaya mauuhaw ka. Isa pa, mainit sa ukayan, so bring water.
  7. Magdala ng mask kung di keri ang amoy ng ukay. Pwedeng pwede naman. E kung gusto mo talaga mag-ukay may paraan kung ayaw mo may dahilan. Ganern.
  8. Yung iba, nahihiya kapag nag-uukay sila. Ako naman proud. Ang tip ko sa inyo, magdala kayo ng malaking bag na magkakasya ang pinamili nyo. Kung nahihiya talaga kayo, ok lang yan. Pero pag narealize nyo na lahat sa ukay na namimili, mawawala din yan.
  9. Nakakaadik ang mag-ukay kaya magdala lang ng sapat ng pera. You know, di lahat ng masarap eh makakaganda sayo. J Baka maging Ukay-holic ka na nyan.
  10. Kung wala ka talagang nabili, better luck next time. Nadisappoint ka man, aminin mo nag-enjoy ka. Wag kang manghinayang kung empty handed ang peg mo. Ok lang na empty handed wag lang broken hearted, CHARRR! Isipin mo na lang na kesa may nabili ka nga tapos di mo naman gusto, edi mas sayang.

Ayun lang naman. Salamat ng marami sa inyong pagbabasa!

Emsaymada

Image used for featured image is from ukay-ukay – Bulatlat
photo credit to: bulatlat.com.

 

Advertisements

3 thoughts on “Confessions of a Ukayholic

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s