Grocery on a budget

Hindi pa naman talaga ako yung talagang alam na alam ko na ang pasikot sikot sa grocery kahit na two years ko na ginagawa. Pero hindi naman ako lumalagpas sa isang oras na naghahanap lang ng bibilhin sa grocery. Madalas ako sa Puregold maggrocery kasi sa lugar namin dito sa Pasig, ayun ang pinakamalapit at pinakakumpleto na grocery na nasubukan ko.

Ang budget namin ng asawa ko for 15 days ay 1500 pesos. 🙂 Sabi nila, matipid na nga daw yon. Sa akin naman, di naman kasi kami kumakain ng pork at madalang kami sa de lata ng mister ko. Mahilig kami sa pasta, chicken, at isda. Ayan lang ang meat namin. Minsan, gusto din nya ng chicken hotdogs, kaya binibilhan ko naman.

Isheshare ko sa inyo yung mga tips ko kapag naggogrocery ako:

  • Quantity. Very Important. Kung mabibili mo in bulk ang mga bagay para tipid, gora. Ang example ko dito ay bigas, asukal, asin. Pwede din yung pinakamalaki na na toothpaste, shampoo (kung mas prefer nyo yung bottled), pulbos (kung may baby na), sabong panglaba na powder (kung big ang family at gumagamit ng washing machine), at kung ano pa maisip nyo na pwedeng ikalaki naman na. BTW, mas prefer ko yung sachet kasi sukat na yung ilalagay mo sa buhok mo at alam mo na kung kelan ka ulit bibili ng next batch ng shampoo.

  • Quality. Syempre, yung quality ng product pa rin ang habol ko. Kung buy 1 take 1 naman ang product, I make sure na subok ko na yung product. Ayaw ko na makamura ako tapos sa bandang huli naman, di ko sya nagamit kasi di sya maganda. Sa sanitary pad, halimbawa. Bumili ako ng mas mura kasi mas marami daw sila over sa dati kong product na M*dess. Nagsisi ako kasi iba yung pakiramdam, parang makati na ewan e! Basta never na ako bumili ulit nun, bumalik ako sa dating product na ginamit ko.

  • Wag daw maggogrocery ng gutom. Truelaloo. Kahit siguro iwasan mo na yung snaks aisle, di keri eh. Gusto mo papakin yung butter kapag nasa tapat mo. Dapat, kumain ka muna bago maggrocery para di ka bumili ng madaming food. In the end, marerealize mo na bumili ka ng snacks na di mo naman pala makakain. Sayang.

  • Mag-invest ng gamit. Ang example ko dito yung non stick pan. Kasi di mo na sya kailangan lagyan ng madaming mantika e. Tipid na sa mantika, maganda pa sa health. 🙂

  • Gumawa ng listahan. Ito, dati ginagawa ko. Pero ngayon, since saulo ko na yung mga bibilhin at kelangan namin, minsan ko na lang gawin. Kasi cycle ang nangyayari sa grocery namin. Diba nga bulk kami bumili. So, alam mo na yung time na mauubos yung pinamili mo kaya parang reflex mo na siguro kung ano yung hahablutin sa Grocery. 🙂

  • Yung mga frozen veggies mas ok! Nasabi ko na ok sya kasi di sya madaling masira. Irerecommend ko to sa mga taong malayo ang palengke sa bahay nila. Mas mura pa siya at hindi time consuming iprepare.

  • Bigyan ng time frame yung mga gamit na hindi poreber. Syempre di naman kelangan na umabot ng dekada ang gamit mong toothbrush, pang-ahit at kung ano ano pa. Hindi sila poreber, ganoin. So, itong item na ito ang madalas nasa listahan ko. At yun yung time na naglilista ako ng bibilhin. Hehe.

  • Wag bumili ng di kailangan talaga.  May nakita ka ngayong mason jars na nakasale. Oh, e kelangan ba ng bahay mo yan? Ikauunlad ba ng ekonomiya ang paggamit mo ng mason jars sa pag-inom ng tubig kahit na may baso ka naman na iniregalo sa kasal? Pak Ganern. Mas mainam na pag-usapan nyo muna ng mister mo kung kelangan talaga. Maganda yung idea na yearly, magmemeeting kayo ng asawa mo at ng mga anak mo kung meron na about sa bibilhin nyo this new year. Tapos i-ja-justify mo kung bakit kelangan yon. Applicable din ito kung bibili ng gadgets yung mga bagets, para nakabudget at naka-oras ang pagbili ng mga bagay bagay.

  • Ito nabasa ko lang ha. Wag mag-hesitate na ibalik ang pinamili.  Kung nakapila ka na at ikaw na ang magbabayad, kung feeling mo naman di naman talaga kelangan ang binili mo at wala sa listahan, ibalik mo. Lagi naman may return basket ang mga counter so feel free to discard any items na di mo kelangan.

Ayun lang po muna! Kung may tips kayo, pahingi naman para next time, gayahin ko din. At i-a-update ko itong blog na ito.

Love,

Emsaymada

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s