A day with a housewife

My husband works from 7 pm to 4 am. He usually wakes up at 3:30 pm to prepare and goes to work at 4:30 pm. Alam ko medyo maaga, pero yung traffic sa Manila, di na bago, so tayo ang mag-aadjust.

Nagigising ako ng mas maaga sa kanya. Unang task ko ay magprepare ng babaunin nya. Medyo maarte ako sa baon nya kasi gusto ko macomfort naman sya ng food na ipinabaon ko. Nagwork na rin ako sa Call Center at napakastressful naman talaga ng work na yun. At dahil naman wala ako trabaho ngayon, kinacareer ko talaga mga pinapabaon ko.

Mahilig ako manood ng TLC tapos favorite ko si Chef Gordon Ramsay. Ang galing kasi magluto eh. Mahilig din akong magcollect ng Yummy magazines para makahanap ng inspiration sa lulutuin. Ang hirap kasi magplan ng grocery kapag di ko alam ang lulutuin ko.

Yung unang picture, ginaya ko sa YouTube. Nabanggit kasi ng asawa ko na gusto nya nito kaya nagresearch naman ako. Yung ikalawa, mukhang plain Gohan lang pero may filling na menudo.
Nung isang araw, I cooked Gnocchi tapos di pa man daw nagsisimula yung shift nya sa office, naubos na nya. Syempre may side dish din yun na greenpeas para may protein and gulay. πŸ™‚

Kachat ko sya kanina. πŸ™‚ Ito ang sinabi nya…

Di na naman sya nakatiis hahaha.πŸ˜‚ Pero sabi ko nga sa kanya, ok lang kasi kaya nga dalawa baon nya e. Yung isa is for lunch which is Kung Pao Chicken Pasta at buttered veggies with potato cream cheese. Mahilig kasi sa cream cheese ang asawa ko kaya ayun ang naisip ko.
Nakakatuwa ang asawa ko especially kapag naaappreciate nya ang luto ko. Mahilig kasi akong magluto ng rice na may kahalong ulam na. Kasi nadadaya yung rice tapos tansyado mo yung ulam. Kapag plain rice lang, usually 3-4 cups nung rice cooker cup ang na-ko-consume namin. Pero kung yung fried rice na may flavor, 1 cup of rice tapos dayain mo ng madaming veggies, solb ka na e. Pagkagising nya kanina, kumain sya ng Chicken Taco Rice. (Recipe soon)

Spaghetti and Greenpeas

Ito naman, nagpicture lang ako ng kinain ko. Kung ano nakita ko sa ref, ayun na lang ang ginawan ko ng recipe. Spaghetti lang to. Ginisa ko lang yun bawang, tapos nilagay ko na yung peas. I used olive oil para may lasa. Tapos a pinch of salt and pepper then nilagay ko na yung spaghetti. Tapos a squeeze of calamansi for acidity. πŸ™‚ Pwede din lagyan ng cayenne or chili flakes for added kick.

So anyway, pagkaalis ng asawa ko, nagdadust na ako. Ayaw ko kasi nakikita yung mga sapot at alikabok na araw araw ata eh nagkakaroon dito sa apartment namin. Tapos, naglalampaso ako ng sahig. Aayusin ko yung magugulong gamit. Tapos kung may lalabhan man ako, ibababad ko na.
Aayusin ko naman yun cabinet namin kasi gusto ko pantay pantay. Tapos maghahanap na ako ng book na mababasa ko sa bookshelf ko o kaya magsesearch sa net ng recipe or magbablog. Minsan nag-si-Sims ako kapag may naiisip akong bahay na gusto ko makuha na di ko pa makuha ngayon. Gumagawa ako ng character namin ng asawa ko. Haha. Kung sinisipag naman ako, nagrereview ako ng Biological Science.😎 Tapos kung 230 am na, nagpeprep na ako ng lulutuin ko sa pagdating ng asawa ko. Mga 430 andito na sya sa bahay. Ayun. Tapos hugas ng pinggan after kumain tapos kwentuhan tapos tulog. Ganyan lang kami kapag weekdays. Kapag weekends, nagdedate kami or nagpapaaircon sa Mcdo.

Hindi ako nabobore sa ginagawa ko. Masarap sa pakiramdam yung malinis mo yung bahay tapos magpapahinga ka e. Parang I deserve this relaxation ang peg. πŸ™‚

Advertisements

4 thoughts on “A day with a housewife

  1. ia says:

    Nasa lahai na ata natin ate ang pagiging OC. Pag naiiwan din ako sa condo minsan nasa bahay lang din. Luto, linis, laba, plantsa tapos ps4 tas luto ulit pag meron na si boss hahaha

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s