Rice, Rice Baby!

Mahilig kami kumain ng asawa ko sa bowl. Tapos ayaw namin gamitin yung dining table namin. Haha! Gusto namin sa kama. Kasi ganun talaga e. Haha. Masarap yung ganun. Naeenjoy namin kumain sa kwarto namin habang nakaharap sa TV na nanonood na mga napapatay na adik sa droga. Iba din trip namin eh. Weird noh?

Anyway, dahil sa kama kami kumakain, gusto ko, hindi tatapon yung anumang maliliit na pwede langgamin. Kaya naisip namin, bowl na lang ang gawin naming kainan.

Nahilig ako magluto nito kasi dati, may kinakainan kami ng bestfriend ko sa harap ng SLU. Nakakamiss kasi yung gourmet rice nila! Yes, tama ka! MACSBOX nga! Kaya ang mga susunod na post ay medyo related sa paghahalo ng ulam sa rice. πŸ™‚

lightpinkdots

TACO RICE

Favorite ng asawa ko to. Kahit araw arawin daw nya eh. E kung ito kaya ang ipaulam ko lagi noh?

For Taco Seasoning:

  • Chili Powder/Cayenne Powder
  • Garlic Powder or fresh garlic
  • Onion Powder or Fresh onion
  • Dried Oregano
  • Paprika
  • Ground Cumin
  • Salt and Pepper

Sorry guys, di ako marunong nung accurate na sukat, basta ayan, lasahan nyo na lang. Pwede nyo na itong isabay sa pagluluto ng minced beef, chicken or pork.

  1. So the usual, igisa si bawang at sibuyas.
  2. Add the meat (giniling na baboy, baka, or chicken). Lutuin.
  3. Add the Taco Seasoning.
  4. Add left over rice.

Syempre, kelangan may gulay yan. Gawa ka ng Cabbage Salad.

  1. Gayatin ng maninipis yung Repolyo, kamatis, at pipino
  2. On a separate bowl, magtimpla ng konting suka, salt, pepper, at lemon/kalamansi. Mix until matunaw yung buo buong asin. You can also add honey/sugar kung gusto nyo ng konting tamis.
  3. Mag add unti unti ng cooking oil/olive oil sa mixture habang hinahalo mo sya gamit ang tinidor. Makikita mo naman na nagcocombine sya sa oil.
  4. Ilagay pakonti-konti sa veggies.

Pag sineserve ko to, syempre hiwalay. Gustong gusto naman ng asawa ko. Try nyo din, tapos let me know kung may idea kayo na pwedeng ilagay. πŸ™‚

lightpinkdots

SISIG RICE

Same concept, iba lang flavor. As usual, may nabibili na na ready made seasoning for sisig. For those who want to make the flavor for themselves, ito ang ginagawa ko:

Ingredients:

  • Rice
  • Garlic
  • Red Onion (tatlong malalaki)
  • Sugar
  • Calamansi
  • Pepper (medyo buo)
  • Salt
  • Minced Pork, Beef, or Chicken
  1. Igisa sa mantika yung half ng nahiwang sibuyas.
  2. Ilagay yung giniling na karne. Timplahan ng salt and pepper.
  3. Kapag luto na, patayin yung apoy tapos ilagay na yung kalamansi. Siguro add ka muna ng isang piraso, lasahan mo kung OK na. Kapag hindi pa rin, add ko kalahating hiwa. Baka mapaasim yung sisig mo masyado, sinigang na sinangag na yan. Hehe. Tapos iset aside mo na.
  4. Sa isang pan, magheat ng oil, bawang tapos add rice. Season mo ng salt. Tapos, add mo yung yung onion kung gusto mo na medyo may anghang yung onion. Kung di naman, after ng bawang, i-add mo na yung onion dun. Tapos pag half cook na, saka mo lang ilagay yung rice.
  5. Patayin ang apoy at i-add ang sisig mixture.

lightpinkdots

MANGGA AT ALAMANG RICE

Kapag marami ang mangga at gusto mo ng new way para makain mo sya!

Ingredients:

  • Matamis na alamang (yes, ready made)
  • Taba ng baboy (optional para sa mga nagdadiet at may problema sa taba)
  • Kahit anong karne na available sa ref nyo
  • Cayenne Pepper
  • Indian Mango (Nahiwa na ng maliliit na square)
  • Rice
  • Salt and pepper
  • Onion, Garlic
  1. Una, pagmantikain ang taba ng baboy. Kung wala, skip ka na.
    • Sa isang kawali, ilagay ang maliit na hiwa ng taba ng baboy, lagyan ng kaunting tubig, konting asin. Takpan at hayaang pumutok. Wag buksan, mapapak ganern ka ng mantika.
    • Kapag tapos na yung putok putok nya, patayin ang kaaway! Joke! Patayin ang apoy at hayaang magcool down. Pakalmahin para di ka talsikan.
  2. Kunin ang mantika sa nagawang chicharon, or kumuha ng cooking oil. Igisa ang bawang at sibuyas.
  3. Add the meat na gusto nyo. Tapos lutuin until brown.
  4. Mag-add ng alamang according sa iyong panglasa. Ako 1-2 tablespoon lang. Tapos salt and pepper.
  5. I-add na ang baboy. Kung walang baboy, skip ka na.
  6. Add the RICE! J
  7. Halu haluin. Tikman, kung kulang ng alamang, edi add more! J
  8. Tapos iserve topped with indian mango!

Orayts!

lightpinkdots

TINAPA RICE

Itong recipe na ito, inimbento ko lang, pero ewan ko kung meron na din ganito kayong narinig? Anyway, favorite to nung TEAM nung asawa ko. Kasi wala kami maisip ni Ber nun, tapos sabi ko, kumakain ba sila ng tinapa? First impression nila, nandidiri sila, sarap bigwasan eh hahaha. Tapos after nun tatanong naman yung recipe, ayaw ko nga haha. Nagustuhan daw nila at nag-agawan sila. Β Anyway, ishi-share ko sa inyo ito kasi ako naman ang may favorite nito.

Sa hometown ko sa Bataan, nagkalat ang tinapa kaya naisipan ko tong recipe na ito. (Note: Medyo time consuming sya).

Ingredients:

Tinapang galunggong na lalaki.

Me: Ate, may lalaki po ba kayo? (referring to the galunggong)

Ate: Ay, ito na lang mga babae, walang kwenta ang mga lalaki!

Ayos, HUGOT ni ATE. πŸ˜€

  • Garlic
  • Sibuyas
  • Rice
  • Salt and Pepper
  • For Side Dish : Itlog na pula na may kamatis. YUMMY!
  1. Magsaing. Charot! Syempre understood na yon!
  2. Iprito sa lumang mantika ang tinapa, kung meron man kayo. Lutuin, wag sunugin.
  3. Palamigin ang tinapa. Kapag malamig na, tanggalan ng balat at himayin ang laman. Siguraduhing walang tinik.
  4. Sa isang pan, igisa ang bawang, sibuyas (medyo madami), at ilagay ang tinapa.
  5. Timplahan ng asin at paminta
  6. Add the rice! Yehey!
  7. Timplahan ulit kung kulang pa ng lasa. πŸ™‚

 

P.S. Ang naiisip ko na kanta ngayon in the tune of my humps by BEP ay:

“watcha gonna do with all that rice, all that rice inside the ref.” hahaha sorry babaw ng kaligayahan! πŸ˜€

❀

Emsaymada

 

The photo I used for the feature image is from: http://www.wisegeek.com

 

Advertisements

2 thoughts on “Rice, Rice Baby!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s