3 AM Recipe

Wala akong maikwento ngayon except sa naglaba ako ng bedsheets at pillowcases. (hihi) Sa rooftop ako nagsampay, after an hour tuyo na! Yehey! Gagamitin na ulit namin sila bago matulog. Bukas, balak kong labhan yung mga unan. (Wala pa akong kwento nyan, medyo behave pa ako nyan, haha!)

Ishe-share ko na lang ang ulam namin ni Ber ngayong dinner. (BTW, si Ber po ay ang asawa kong nagbablog din po dito, pero di pa nya naipopost yung blogs nya kasi madami daw syang ginagawa sa office. Endearment namin ang Ber. Lumihis na naman ng landas yung paliwanag ko e. Hahaha!)

Gusto ko laging kumakain ng gulay ang asawa ko. Kaya lagi akong nagsaside-dish. Pili lang kasi ang gusto nyang gulay. Lahat ng madulas gaya ng okra at saluyot, ayaw nya. Ilocano ang asawa ko pero never mo syang mapapakain ng ganun. Dati, ayaw nya din ng ampalaya, pero nung pinagluto ko sya nun, nagustuhan nya. Next post ko, ipopost ko yung recipe ko ng ampalaya para kumain din kayo. Andun pa rin yung pait pero kinakain naman nya or talagang love lang ako. Hahaha! Lumihis na naman ng landas yung blog ko! Sorry po sa kadaldalan ko!

Ang ulam po namin ngayon ay Buttered Shrimp. Iba-iba yung way na nakita ko sa net na magluto. Ito yung way ko ng pagluluto na gusto ko yung lasa. 🙂

13728291_10205559562262368_481560373_o

Buttered Shrimp ala Emsaymada

Shrimp

Butter

Cooking oil or Olive oil

Bawang – madami masarap!

Sugar

Soy Sauce

Paprika (optional)

Cayenne (optional)

Salt and Pepper

Procedure:

  1. I-marinade yung shrimp sa konting soy sauce, salt, pepper, sugar. Dapat hindi masyadong masabaw. Saktong na coat lang yung shrimp. Mas ok kung matagal ma-marinade. 30 minutes minimum siguro, ayus na! Yung iba sa sprite/7-up binababad para intense ang tamis. Kaso di kasi ako umiinom ng softdrinks 🙂
  2. Igisa sa cooking oil or olive oil ang bawang until medyo may brown part na yung bawang.
  3. Ilagay ang shrimp at haluin ng konti until maging orange na sya.
  4. Ilagay ang konting sabaw na galing na marinade.
  5. Timplahan ng salt and pepper.
  6. Ilagay ang cayenne at paprika.
  7. Timplahan ng sugar depende sa tamis na gusto nyo.
  8. Ilagay ang butter. (depende sa inyo kung gano kadami ang gusto nyo. Ako 1/4 lang ang ginamit ko.
  9. Let it simmer mga 3-5 minutes or until maluto na yung shrimp.
  10. Kainan na!

Yung side dish na ginawa ko, ewan ko kung anong tawag. Pero napanood ko sa Vlog sa YouTube ni Moi (yup, yung P.A. ni Papa P). May niluto sya parang gising gising daw na walang gata. Ito naman ang version ko.

13833489_10205559562302369_1449153770_o

Creamy Spicy tangkay ng kangkong

Ingredients:

yung tangkay ng kangkong, hiniwa na parang spring onion.

bawang

sibuyas

siling panigang

cayenne

salt and pepper

all purpose cream

cooking oil

soy sauce

Procedure:

  1. Sa konting cooking oil, igisa ang bawang at sibuyas
  2. Ilagay ang sili na ginayat
  3. Timplahan ng salt and pepper
  4. Ilagay ang tangkay ng kangkong
  5. Hayaang maluto (medyo matagal)
  6. Kapag halfway cook na yung tangkay ng kangkong, add ng 1 tablespoon ng soy sauce, tapos yung cream. Hinaan lang ang apoy.
  7. Hayaang maluto pa. Tikman kung kailangan pa ng anghang. Lagyan din ng salt and pepper kung kulang pa.

Hinihintay ko na lang ngayon ang asawa ko. Nagugutom na din ako! Gutom na din siguro yun kasi salad at fish balls lang ang pinabaon ko sa kanya kanina eh.

Anyway, enjoy cooking!

<3,

Emsaymada

 

Advertisements

2 thoughts on “3 AM Recipe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s