Walang Gas

Kanina, nawalan na kami ng gas. 😦 gabi na rin kaya wala na kaming makukunan. Kapag ganito, Rice Cooker ang friend namin. 🙂 Bukod sa pagsasaing, ginagamit namin sya sa kung ano anong pagluluto.

Dito namin nakuha yung pangalan ng blog namin na The Rice Cooker Chronicles.

Noon kasing dalaga at binata pa lang kami, nabuhay kami sa Rice Cooker. Madalas, nagsisigang kami dun. Naaalala ko, ang saya saya namin kapag sinigang ang ulam. Di ko rin alam kung bakit di kami bumibili ng kalan at gas nun. Kapag nasira yung rice cooker, bumibili kami ng panibagong rice cooker.

Ikwekwento ko na lang yung apartment journey namin.

APARTMENT JOURNEY #1. Noong una, dapat anim kaming magrerent. Tapos hanggang tatlo na lang kami. Kasi naman, parang mahal ata yung rent dun sa nakita namin na 2 floors. Naghanap na lang kaming tatlo ng apartment na afford namin. Thank God, may nakita kami na 2 room-apartment worth 3k. Ok na ok talaga sya. Malinis, sakto yung laki. Ok din yung kasama namin na isa, daming gamit na dala. May malaki syang kainan tapos kama which I like kasi pinahiga nya ako dun. Si Ber nun, may dalang Super Pak Ganern na Kalan. Ako na bilang walang naicontribute, bumili ako ng worth 3k na gamit pangkusina.

Ok na ok ang tubig dun, kapag sumirit nanununtok. Masakit talaga! Pero pag sakto lang pihit mo sa shower, para kang minamasahe.

Hanggang sa ini-advertise namin yung apartment at may umanib sa amin. After 3 months, umalis yung isang kasama namin. At narealize namin na lahat ng gamit namin ay galing sa kaniya at naging parang for rent na ulit ang bahay namin. Haha.

Si Baste. Di ko sya malilimutan. May sa malas yata yun. Hahaha. Una, nilalagnat ako, tapos pumasok sya ng room at nagdala ng paracetamol. Nakakatuwa naman yun gesture nya, tapos biglang paghawak sa pinto, natanggal hahaha. 

Yung susunod, galing silang inuman at mag-isa ko sa bahay. Pagdating nila, uminom pa ata sila ulit? Tapos umihi tong Baste, paglabas nya ng banyo, may nakitang ipis sa tubo ng apartment namin. Intense yung galit nya at pinalo nya ng tsinelas, sumabog yung tubo eh. Haha sumirit yun tubig. Ang masama pa dun, lumipad lang yung ipis e. HAHA.

Bukod sa nasira yung pinto sa kwarto ko, nasira din yun lock sa main door namin. 

APARTMENT JOURNEY #2. Naghanap kami ng medyo maayos na apartment. Nagresign na din si Baste nun. Tatlo na lang ulit kami. Si Ber, Zed at ako. Nakahanap kami ng worth 5000 na ok naman kasi malaki. Di ko din alam kung bakit di kami bumibili ng maayos na gamit. Noong time na to, nasira yungSuper Kalan ni Jester at ang natira yung Rice Cooker. Dito, nakapagluto ako ng spaghetti, sinigang, nilaga, at kung anu anu pa. May nabili naman pala kaming ref. Linchak na yun, parang air cooler. Kelangan ng yelo para gumana. Tapos ang ginagawa ko kasi, nilalagay ko sa freezer yung tubig tapos tong mga linchak iniinom. Eh parang 6 hours bago makapagpalamig yun! Anyway, minsan naglihi kami sa toasted bread na may cheese. Ayun, nasira yung rice cooker. Imbis na kalan at gasul ang bilhin namin, rice cooker pa rin talaga. :mrgreen:

APARTMENT JOURNEY #3. Naisip namin na lumipat ni Ber. Nagrent kami kina Lori. Dun nahasa yung skills namin na magluto sa Rice Cooker. Puro inuman lang din ang nangyari, kunwari umuulan inom agad. Walang magawa, inom. Bago ako pumasok sa work, sashot pa talaga ko e. Kung di man, nagmamarathon kami ng Jabawokeez, Dexter, nag-adik sa Sims 3(mostly ako to),at nag adik sa sinigang na liempo na niluto sa Rice Cooker. Nagtagal talaga kami dito dahil ok yung lugar, malapit sa friends. Pero kinailangan kong umalis sa work at umuwi ng bahay, at si Ber naman ay nagwork na sa Manila.
Pero kapag naaalala ko to, natatawa ako kasi dati ang lakas kong uminom. Ngayon, minsan na lang ako umiinom. This year, twice pa lang. Iba pala talaga yung effect ng pagpapakasal. Feeling mo dapat responsible ka na rin. Ironically, siguro dahil ngayon na lang ulit ako uminom kasama ang squad eh naparami din. Lasing agad ang bruha. Taklesa na nga ako, nag super saiyan pa yung pagkataklesa ko. Yung asawa ko naman tawang tawa pag uwi ng bahay. Parang tanga. Ito yung araw na nalimutan kong may asawa na ako. Haha. At sabi ko talaga non, wine na lang ako kung sakaling may next time pa.

Ayan lang ang kwento ko ngayong araw na ito. Iba talaga ang nagagawa ng nauubusan ng gas. Dumadami yung kwento.

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s