The Rice Cooker Challenge

Naubos yung gas namin last week and wala yung landlady namin para palitan yung gas. Kaya tiis tiis muna sa Rice Cooker. Time to challenge myself!

Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko kapag may period ako. Kanina, nag grocery kami pero di ako masyado makapag-isip ng bibilhin kasi medyo nahihilo at nasusuka ako. Kaya hinayaan kong si Ber mamili.

Pagkadating sa bahay, natulog agad ako. Pinabaunan ko muna si Ber ng cup noodles (I know mali, pero masama talaga pakiramdam ko) at tinapay. Tapos from 4 pm to 3 am tulog lang talaga ako. Kaya bilang bumabawing ginang ng tahanan, sabi ko ipagluluto ko na sya tutal medyo ok na ang pakiramdam ko.

Naparami na kwento, ito na nga ang recipe ko. 

Korean Chicken Lollipops

Chicken lollipops

For batter: buttermilk, flour, salt, pepper, onion powder, garlic powder, paprika. Halu haluin lang, tapos add the chicken lollipops

For Sauce: may nabibili na gawa na, pero pag may time – flour, butter, sugar, salt, pepper, ketchup, soy sauce

Una, sa Rice Cooker, nag tunaw ako ng butter, tapos yung konting flour. Nung luto na yung flour, nag add ako ng konting salt at pepper tapos soy sauce. Tapos sugar at konting ketchup. Dapat manamis namis ang lasa nya. Kapag kumulo ng konti, ilagay na sa container na may takip.

Hugasan ang rice cooker at tuyuin. Isalang na ulit, tapos lagyan ng mantika. Kapag mainit na, add mo na yung chicken lollipops na may batter. 

*TIP: kung babaliktarin na yung chicken sa rice cooker, patayin muna ang rice cooker kapag malamig na, pwede mo na baliktarin at hindi na didikit yung manok. 😉

Ayun. Kapag golden brown na both sides ng chicken, hanguin na. Tapos hugasan ang rice cooker. Magsaing ka na. 🙂 

Isabay mo sa sinaing yung marble potatoes. Usually may steamer yung rice cooker, yung pinapatong lang. Ayun. Lagay mo dun.

*TIP: ibalot sa aluminum foil para di tumulo sa rice yung katas at the same time mas mabilis maluto. 🙂

Kapag nasa keep warm na yung rice cooker, ibalot sa foil yun frozen green peas. Ipatong na din sa steamer.

Kapag ready to serve na, ilagay yung chicken dun sa sauce na ginawa, takpan at alug alugin. Tapos yung peas at potatoes, lagyan ng butter, salt and pepper. Tapos konting arte, ipatong yung chicken sa green peas at potatoes. Parang ganito. 🙂

Ayun lang.

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s