Saan kayo allergic?

Di ako masyadong makapagblog kasi yung allergies ko ngayon grabe. Dati naman na akong nag-aagiw ng ceiling at mga alikabok pero ngayon, tinamaan na naman ako. Naluluha ako, tapos atsing ng atsing. Noong una, ubo sya. Nagtry ako ng warm saline gargle. Nakatulong sya dahil nawawala yung makati sa lalamunan. Iwas din muna ako sa matatamis at malamig na tubig. Kahit coffee ko ngayon ay black basta ayaw ko ng sugar.

Nung pagaling na sya, may naamoy naman akong floor wax. Ang sakit sakit sa ulo. Tapos yung mata ko nagluluha na at yung ilong ko di na tumitigil umatsing. Di talaga ako palainom ng gamot. Hanggat kaya kong ayusin ng natural home remedy ginagawa ko. Pero ngayon gusto ko ng guminhawa, nag anti-histamine na ako. Pagkainom ko nun, tulog agad ako. Pagkagising ko, sobrang ginhawa ng pakiramdam ko. Wala na yung makati sa lalamunan ko. Tapos ang sarap ng huminga.

Liban sa alikabok, ayaw ko rin ng certain fragranances ng VS. Vanilla lang ang keri ng ilong ko, tapos fab con gaya ng downy, di ko rin kayang amuyin. Pati nga nung dati, gumawa kami ng snow out of cotton sa office, kinabukasan nagpacheck ako sa Doctor sa office namin dahil sa mata ko. Akala pa nga ng doctor sore eyes kasi pulang pula ang mata ko, pinauwi din ako agad at buti nakapagpahinga.

Dati may gumagawa ng bahay sa tabi namin, nung nagpintura na sila, di na tumigil yung dry cough namin ng kapatid ko. Nagtataka naman si mama bakit di daw nahahawa yung baby namin (which is good). Nagpacheck up kami nun and sabi nung Dr., allergies nga daw. Pinag steam lang kami tapos ayun na.

Anu-ano ang ginagawa nyo pag may allergies kayo? Share naman para gagawin ko. Ayaw ko talaga kasi umiinom ng anti histamine.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s