31st Part 2

Sunday is family day! Nung August 6, Saturday, ipinaghanda ako nila Mama and Papa (I posted about it before this blog). Kaya ayun, sabi ko sa Sunday na lang kami lumabas since nabusog na kami, and sakto sa Sunday naschedule yung power interruption kaya dun na lang kami lumabas. 

Sarado yung sinasabi ni Mama na Sampalukan na kakainan sana namin at wala din yata silang kuryente kaya sa Max’s na lang kami kumain nila Mama at Papa. Ang sarap ng chicken nila, ayun talaga yung favorite kong chicken. Madami kaming nakain. Haha. Tapos sila Mama gustong Mag SM Pampanga pero kami ni Ber ayaw na namim magbyahe kasi kinabukasan magbabyahe kami at for sure aabutin na naman kami ng siyam siyam sa traffic, kaya sila Mama na lang ang nagpunta.

Supposedly, kasama namin sila manood ng sine. Manonood sana kami ng Suicide Squad pero di pa pwede si Gab, yung pamangkin ko, kaya nagdecide na sila Mama na magSM. 

2:50 pm pa yung next show ng Suicide Squad. Maghihintay pa kami ng 2 hours ni Ber kaya sabi namin, itry namin yung Roberto’s. At wala naman akong masabi kasi naappreciate ko yung place. Ayun yung lugar na hindi ka mahihiyang mag-isa. Kasi parang nasa bahay ka lang talaga. May books sila, yung mugs nila Morrocan pattern na gustong gusto ko. Gusto ko rin yung mga seats nila. May sofa, tapos may pillows na iba iba din yung kulay. Yung mga decor nila ang gaganda. Sa iba’t-ibang lugar nila nakuha yung decors nila tapos binebenta din nila. Double purpose, aesthetic at the same time, pinagkakakitaan. Very pleasing sa mata. Alam mo yung magulo na maayos? Clutter in a good way. 

Tatlong items lang ang inorder namin from their menu. Kakakain lang din kasi and gusto ko lang talaga magcoffee nung time na yun. Umorder ako ng Macchiatto and disappointed ako kasi gusto ko pa rin malasahan yung coffee or sanay lang talaga ako sa lasa ng coffee sa kabila (when you are in Bataan, you know what I mean when I say kabila hehe). Ayun lang naman pero di naman ako maarteng frog. Masarap naman sya, di ko lang hilig talaga yung naooverpower yung coffee ng milk and sugar.

Si Ber, hilig nya yung Lemon Cucumber na drink. As in hanggang kanina, ayun pa rin yung binabanggit nya. Hindi talaga ako fan ng cucumber infused drink. Ewan. Lasang langgam eh hahaha. Pero siguro, acquired taste yon. Kaya wait ko lang yung tastebuds kong mag adjust sa sosyal na lasa. Anyway, kumakain ako ng cucumber yung pinapapak ko talaga. Si Ber naman, ayaw nya ng ganun, gusto nya iniinom. Ganon kami kagulo. 

Yung Blueberry Cheesecake, to die for! Lagi kasi akong nagtatanong kung anong best seller. Yung asawa ko kasi di lagi makapagdecide, ako din ganun. So, ibinibigay ko yung responsibility sa waiter haha. Ang suggestion nya ay yung Blueberry Cheesecake, at di ako magtataka kung bakit best seller sya. Yung nalalasahan mo na cheese sya pero di nakakasuya. Yung sweetness nya di naooverpower yung cheese. Sakto yung dami ng blueberries per slice. Basta ang sarap! Di sa nagcocompare ako pero icocompare ko na rin hahaha. Sa kabila, mabigat sa tyan yung version nila tapos matamis masyado. Kaya ayun. And madami na rin naman akong natikman na version ng Blueberry Cheesecake and di ko talaga gusto yung matamis na version. Very light talaga yung sa Roberto’s. 

Di matagal yung service nila and they set expectation kung ilang minutes bago dumating yung order mo. Aside from that, gusto ko talaga yung may waiter instead of falling in line to order your food. Napakaconvenient kasi kapag yung ikaw ang lalapitan for your order at mas nalalaman mo yung gusto mong orderin. 

Located sila sa Balanga City, Bataan. Sumakay ka lang ng tricycle at sabihin mo na Roberto’s. Kung galing ka sa ibang lugar, sakay ka ng bus, either Mariveles or Balanga. Bumaba ka ng Balanga kung Mariveles ang nasakyan mo. Ibababa ka nila ng bus stop kung saan may nag-aabang na tricycle drivers. Then sakay ka ng Tricycle sabihin mo lang Roberto’s. Kung di alam ni Manong Tricycle, sabihin mo lang yung tapat ng Robinson, tabi ng Mercury Drug. 

Ito yung mga pictures na nakuhanan namin. 

Ayun lang!

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s