My Gaming Stories

Usong-uso ngayon ang Pokemon Go. Lahat yata halos ng nasa friends ko sa FB, ayun ang mga posts. Siguro parang Candy Crush lang din, yung nakakaadik tapos halos lahat hingian ng lives. Naalala ko pa yung kapag manonood ka ng commercial sa Candy Crush may libreng life. Kaya ulit ulitin mong magpop-up sa screen yung commercial para 5 lives na ulit. Pero ako, di ko talaga sya dinadownload. Kasi ayaw kong mag-adik. 🙂 Isa pa, gastos sa data. Di ko keri ang ganern.

Dati, binilhan kami ng Family Computer TM nila Mama. Sila naman ang naglalaro parati. Ang walang kamatayang Battle City. Ayun yung larong una kong nalaro at tinamad talaga ako. Yung Sky Destroyer, ayun din. Warfreak talaga parents ko e. Halatang mga lumaki sa Airbase.

Mayroon kami yung 32 in 1. Ang mahal kaya ng bala noon. Hihipan hipan mo pa nga kapag nagloloko e. Ang tawag namin doon ng mga kapatid ko na-virus. Hahaha. Parang tanga. Nagduckhunt din ako noong binigyan kami ng pinsan ko ng NES pero di ako marunong magfocus at naaawa ako sa ducks. Tapos natatawa lang yung dog kapag di mo napatay yung duck. Linchak na yon!

Hindi talaga ako gamer. Yung mga laro ko lang yung mga tipong Daga ang bida, tapos ninanakaw nya yung gamit sa bahay. At ang maganda pa din, dalawa dalawa yung gamit sa bahay. Kunwari dalawang painting ni Mona Lisa, dalawang fridge, dalawang radyo, dalawang TV. Tapos para mahilo yung mga pusa na nanghahabol sayo, bungguin mo ng pinto or buksan mo yung pintong may soundwave tapos tatangayin yung mga pusa. Yep, si Mappy ang tinutukoy ko. At hanggang ngayon, aliw na aliw pa rin ako sa laro na to.

Gaya ng sabi ko, di ako gamer. Di ako yung tipong pang RPG. Di din ako nahumaling sa online games gaya ng Cabal or DOTA. Yung tipo ng game na mahirap na sa akin ay yung lalaking nakabrief, tapos nasa isang Island. Yung may bananas kang tatalunin, biglang may bonfire na iiwasan, itlog na kapag binasag mo may lamang mga palakol na kelangan di tumama sa bato kasi madedeads ka. Ang mga kalaban ay Tuna fish, or ahas na visible ang kamandag. Tapos kapag binato mo ng palakol yung isang Tiki sa Island, lalabas yung elevator na gawa sa pearls. 😀 Yes, tama ang hula mo – Hudson’s Adventure Island ang title nyan. Dati talaga ang alam kong title nyan e Adventure Island. Now I know kung ano ang name ng lalaking nakabrief. 😀

Third year highschool na ako noong nagkaroon kami ng Playstation 1, at take note, may Playstation 2 na noon. Pero masaya kami noon kasi tuwang tuwa kami sa graphics. Mostly, yung sister ko lang ang nag-adik dun. Ang nilalaro ko lang sa playstation na naadik ako yung Harvest Moon. Tapos ayun na. Hanggang ngayon, gumagana pa rin yon, pero dahil lahat kami e may kanya kanya ng priorities, nakatago na sya sa baul.

Naglaro ako ng Resident Evil dati. Pero nakakainis yung skills ko dun. Siguro kung icocompare ko sa driving yung pagcontrol ko kay Jill Valentine, nabangga na ako ng maraming beses. Di talaga ako marunong umasinta ng baril or makaalala ng lugar kahit may map naman akong napupulot. Napuno na ng herbs yung bulsa ni Jill, kapag andyan na yung malaking zombie, pinapatay ko na yung TV eh. Ang mga gusto ko lang talaga yung babaeng tumatalon sa apoy. Nakasakay sya sa kabayong brown, ang gagawin mo lang ay tumalon sa nagliliyab na mga bilog. Yung susunod na stage, tatalunan mo yung mga unggoy at reminder – nasa tali ka nagbabalance. Tumpak, Circus Charlie yan.

Sims 3 ang talagang masasabi ko na until now ay adik na adik ako. Gustong gusto ko yung nag-aayos ng bahay. Tapos yung sasampalin mo yung mga kaaway mo. Wala pa kasi akong alam na laro mas gusto ko kesa sa Sims. Pwede akong maging sexy doon at kapag naitype ko yung motherlode, mayaman na agad ako. Kaya ko rin magpatubo ng puno na namumunga ng pera at kada nasisirang gamit, delete then buy. Parang escape ko sya sa mundong ito na puno ng pighati!  CHAAAAR! Entertaining talaga ang Sims ganern. Wag kang ano!

Well ngayon na may asawa na ako, may mangilan ngilan akong nalaro sa 2ds ng asawa ko. Dati kasi, wala kaming TV, Fridge (ewan ko kung bakit to nasali sa entertainment), as in kama lang ang nasa bahay namin at marumihan na puno ng damit. Yung tanging entertainment namin e magjog kapag hapon, or makinig ng radyo, na nabili namin sa halagang 400 pesos. May saksakan kasi sya ng flash drive na nilagyan ko ng maraming senti songs. Ganun lang ang buhay namin ng asawa ko. Siguro sa next blog na to. Ieexplain ko lang na bukod sa radyo, nakabili ang asawa ko ng 2ds noong binata pa siya. Para di ako mainip, naglaro ako ng Rune Factory na umabot sa level 300 na ata yung karakter ko. Nag-away pa nga kami ni Ber noon kasi naoverwrite nya yung nasave ko na game. Eh, may asawa na karakter ko non, tapos bumalik sa pagkadalaga sya. Hahaha. Nabaliw ako e. Noong nagsawa naman ako, naglaro ako ng Monster Hunter 4. Tinatawan ako ni Ber kasi ang pangit ng costume ko e. Di coordinated. Kung saan ko daw ba nakuha yon. Parang hanggang sa Monster Hunter nag-uukay pa rin character ko e. Tapos nagsawa na ulit ako. Ang last kong nalaro yung Pokemon Y. Tawang tawa yung asawa ko nagmamasikat ako, sabi ko nahuli ko na si Lucrosso. Tapos natahimik sya. Pinadescribe nya sa akin. Sabi ko yung kabayo na wolf.

“Ah, Lucario.”

Kaya hindi talaga ako maglalaro ng Pokemon Go. 😀

Emsaymada


If you like to play NES games using your computer, go to http://www.emuparadise.me and you can play directly on the site without downloading any emulator! Hope this help you reminisce the good ol days! 🙂

 

image grabbed from: 
https://www.google.com.ph/search?q=nes&espv=2&biw=1360&bih=599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjv6qfFmtDOAhXDspQKHRi5Dz0Q_AUIBigB#imgrc=1sK7_OJ27Jpi0M%3A
https://www.google.com.ph/search?q=nes&espv=2&biw=1360&bih=599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjv6qfFmtDOAhXDspQKHRi5Dz0Q_AUIBigB#tbm=isch&q=dog+duck+hunt&imgrc=WdaNih2MVPKcIM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=nes&espv=2&biw=1360&bih=599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjv6qfFmtDOAhXDspQKHRi5Dz0Q_AUIBigB#tbm=isch&q=Circus+charlie&imgrc=STeFa4Sckq7bbM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=nes&espv=2&biw=1360&bih=599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjv6qfFmtDOAhXDspQKHRi5Dz0Q_AUIBigB#tbm=isch&q=nemesis&imgrc=6XNbdFxHZlyJHM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=nes&espv=2&biw=1360&bih=599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjv6qfFmtDOAhXDspQKHRi5Dz0Q_AUIBigB#tbm=isch&q=sims+3+fight&imgrc=AQjZXXN-yFxidM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=nes&espv=2&biw=1360&bih=599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjv6qfFmtDOAhXDspQKHRi5Dz0Q_AUIBigB#tbm=isch&q=rune+factory&imgrc=NGlRS5oci7p1hM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=nes&espv=2&biw=1360&bih=599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjv6qfFmtDOAhXDspQKHRi5Dz0Q_AUIBigB#tbm=isch&q=lucario+gif&imgrc=ZYnIbsdhU6Y4IM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=adventure+island+game&espv=2&biw=1360&bih=599&tbm=isch&imgil=9-N9CRo-p1Y2gM%253A%253BpVbW4jD7Gu1YoM%253Bhttp%25253A%25252F%25252Fgamefabrique.com%25252Fgames%25252Fadventure-island%25252F&source=iu&pf=m&fir=9-N9CRo-p1Y2gM%253A%252CpVbW4jD7Gu1YoM%252C_&usg=__CkWtStpKkxEU7-LjpGiwnCfOzFA%3D&dpr=1&ved=0ahUKEwjb1rz-ntDOAhVElJQKHeK4AeYQyjcIeg&ei=OG64V9vaBMSo0gTi8YawDg#imgrc=grp6tr5N6qat5M%3A
https://www.google.com.ph/search?q=mappy&espv=2&biw=1360&bih=599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjz9rv0n9DOAhUJNJQKHZ-AACMQ_AUIBigB#imgrc=_
Advertisements

2 thoughts on “My Gaming Stories

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s