Our first day as Mr. and Mrs.

2014 namin naisipang magsettle down. Pero nakalipat ako ng Manila mga March pa of 2015. Kasi ang balak namin maghanap ng maayos na apartment. Mabait yung landlady namin na si Ate Marissa na landlady ng asawa ko nung binata pa sya, kaya noong ini-offer sa amin yung isang vacant bachelor’s pad, kinuha na ng asawa ko. Naisip din namin di namin kelangan ng masyadong maganda tutal nagsisimula pa lang kami. 

Noong time na sinundo na ako ng asawa ko sa Bataan para tumira na sa Manila, naaalala ko si Gab na pamangkin ko, nilalaruan nya yung maleta ko. Takbo sya ng takbo tapos hinihila hila nya. Sobrang excited ako makasama na sa bahay ang asawa ko. Pero nung time na yon, unti unting nag sink in na aalis na ako, di na yon ang bahay ko.

For the last time, tinignan ko yung dresser ko. Naiiyak na ako kasi mga kumot at comforter na ang laman nung dresser ko. Tapos si Gab, parang nakakahalata na. Syempre ako, di ko pinapahalata na malungkot ako e.

Noong nasa bus na, dun na ko naiyak. Sabi ng asawa ko, balik na daw kami. Sabi ko ok lang ako. Namimiss ko lang bahay. Tapos nagtext si Mama:

Goodluck anak sa new adventure mo. Love you, anak.

Tulo ng tulo yung luha ko. Alam mo yung first heart break? Matindi pa dun! After all, marerealize mo na ang first love mo ay yung family mo e. 😥

Pagdating ko sa apartment namin, naiyak ako sa itsura. Kasi syempre, nasanay ako sa bahay namin na comfortable yung bawat sulok. Tapos nagsosorry yung asawa ko sa akin. Wala naman sa akin yon, nag-iiyak lang ako kasi di ko na parati makikita sila mama. Hagulgol talaga ako. Mga 1 week akong humahagulgol. Panggabi pa yung pasok ng asawa ko, wala akong kasama.

Tinatawagan ko parati yung pamangkin ko. After 3 months, deretso na ang salita nya. At least narinig ko yung boses nya. Daig ko pa nag-ibang bansang ina. OFW teh.

Eventually, nasanay ako. Walang laman yung bahay namin kundi foam at gas range. May marumihan kami. Araw araw naglalaba ako para di ako maipunan. Tapos araw araw naglalampaso ako ng sahig lumipas lang ang oras.

Di sapat kinikita namin ng asawa ko. Di ako maka-apply ng work kasi natatakot ako. Naninibago ako sa Manila. Minsan talaga, 150 pesos na lang ang tira ng sweldo namin. Saktong sakto lahat. Pero unti unti may naipundar kami. Nagkaref kami. Tapos binilhan ako ng asawa ko ng TV at external HD na pinuno nya ng series. Nagsimula akong maadik nun sa Breaking bad at paulit ulit kong pinapanood yung The Big Bang Theory. Ako pa din inisip ng Ber ko. 🙂 Binilhan ako ng TV. 🙂

Thank God, napromote yung asawa ko. Kahit may binabayaran kami nun na loan, kinakaya namin. Pinipilit kong pagkasyahin yung pera. Nagluluto ako ng flavored rice. Tipid kasi yun. Buti di nagsasawa yung asawa ko dun. Minsan nga, toyo lang na may asukal tapos hiniwang kangkong yung tig limang piso, sarap na sarap na kami. Ganun lang. Never kaming nakakain sa labas. Parang pag may extra kami, sa Mcdo happy na kami. Pinakamahal na naming kain noon yung sa Beanery sa Bataan. Ayun yung parang high end na pinupuntahan namin kapag may konti pa natira. Narealize ko ang hirap hirap magbudget. Parang pag nagkasakit yung isa sa amin, nawawala yung budget namin.

Sa totoo lang, di kami maluho ng asawa ko. Kapag may extra ako, bumibili ako ng pants nya. Dadalawa lang kasi pants ng asawa ko. Pero hanggang ukay lang yung budget namin. Nahihiya ako kasi di ko sya mabilhan ng bago. Pero wala lang sa kanya. Tuwang tuwa pa nga yun sa T-Shirts nya na nabibili ko sa ukay. Sabi ko mabibilhan ko din someday ng brandnew yung asawa ko.

Dati maarte ako-tipong dapat straight buhok ko, bagong make up ko, shoes. Pero ngayon, kahit sabog hair ko, ok lang. Di naman importante. Dito lang naman ako sa bahay. Tsaka, uso naman ang may big curls. Why not? Kung dati ang pair ng shoes ko nasa 25 pairs, ngayon 3 pairs na lang. 🙂 Kung dati weekly nagpapa mani pedi ako, ngayon ako na lang gumagawa. Wala namang kaso tsaka takot din ako murderin pa yung paa ko.

Halos lahat ng gamit kong kulorete sa katawan, tulad ng relo ko, gift sa kin ng asawa ko nung magjuwa pa kami, yung smart watch galing kay mama pati yung iphone sa kanya din galing. Nagpapasalamat ako kasi may matitinong gamit ako na hindi ko naman talaga hinangad pero kusang dumadating.

Ngayon, bumabawi na kami. Kahit na napromote asawa ko, ayun pa rin yung gastos namin. Walang nagbago. Kaya mas nakakapagsave na kami. 

Nagsesave kami para mabili namin yung pangarap namin na house. Ako naman may binabalak na maliit na business pangdagdag ipon din. 🙂

Ayan lang ang madramang tagpo.

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s