Market Market!

Hello!

Nagplano ako ng blog ko noong Saturday. Ang naisip ko pa naman ay Vlog (Video Blog) kung saan mag-iinarte ako sa Market Market habang naggogrocery. Kaso…

sumakit ang ulo ko.

Ang una naming plano ay magpacheck-up dahil higit sa 1 month na rin ang ubo ko. Dry cough sya, at worse sa gabi at pagkagising. Naisip ko nga na pinilit na lang ako ng asawa ko na magpacheck up dahil lagi na lang syang nagigising sa mga ubo ko. Minsan kasi parang nagbavibrate yung ubo ko tapos walang hinto.

Nagpacheck up ako sa Healthway Market Market. Buti na lang may Dr dun sa case ko kahit Sunday. At buti na lang maaga kaming nakarating kasi halfday lang si Doc. Naghintay ako ng 30 minutes lang. Ang galing ng process nila, mabilis at organized. Natutuwa ako na gumagamit na sila ng computer para sa reseta at mga anik anik. Nakakatuwa dahil kahit noong nagpacheck ako sa St. Lukes, di ko naranasan gumamit ng PC to register my name. Doon lahat nakaPC na, and thumbs up ako doon!

Natuwa din ako sa CF ni Dra. Para sa akin napakamura na non compared sa ibang Dr. Inexplain nya sa akin kung bakit ako may Allergic Rhinitis. Wala naman daw syang narinig sa likod ko. Inask ko kung pwede na di na ako i-xray. Ang sabi naman nya, pwede naman. Inumin ko daw muna yung mga gamot at kapag hindi pa rin ako gumaling, magpa-xray na daw ako.

In all fairness naman, medyo ok na yung pakiramdam ko 2 days before ng check-up kasi may putok na ubo ko. Basta yung parang may laman na pero wala. Kung meron naman, clear lang ang lumalabas, which is normal naman daw sabi ni Dra.

Herbal yung binigay sa akin ni Dra at isang gamot na combination na para dalawa na lang daw gamot ko hindi na masyadong madami.

Sabi ni Dra, hormone daw yung isa sa mga factor kung bakit ako masyadong allergic recently. Dati kasi di naman talaga ako naallergy sa amoy ng Ariel, VS, Men’s cologne, pero ayun nga, dahil sa hormones, nagproduce ako ng mas maraming histamines.

Ikalawang factor daw ay yung pabago bagong panahon. Kasi daw, maaaring may mga molds na na-iinhale ko. I think, totoo ito. Recently kasi, nagkaroon ng tagas yung gripo namin sa CR. Eh, ayun, nagkaroon ng molds yung mga furnitures namin. Ako kasi hilig ko pa punasan yun tapos bumabalik lang sila. Ang ginawa ko, naglagay ako ng suka sa basahan tapos pinunasan ko, hindi na bumalik. After non, naging ok na pakiramdam ko at nalessen na yung pag-ubo ko.

Sa hinaba haba ng kwento ko, syempre, sa pagkain ang tuloy nito.

Noong Saturday pa nagtatanong ang asawa ko kung may Yellow Cab sa Market Market. Alam na alam ko namang nagpaparinig sya. Kaya after naming magpacheck-up kumain na agad kami. Tapos ininom ko yung gamot. Nahilo ako sa antok tapos nanghihina na ako e. Kagigising ko lang naman hahaha. Ayun pala yung side effect nung gamot. Dapat di ko muna ininom para natuloy ang Vlog ko sa grocery ng Market Market!

Ito yung mga inorder namin sa Yellow Cab. Ang sarap nung Sriracha Wings!

14164039_10205808544006756_1631714162_o

14138968_10205808543886753_1288578964_o

14152043_10205808543966755_1150345115_o

Sa sobrang sakit ng ulo ko, nalimutan ko na bibili kami ng pang business namin ni Ber. Balak kasi namin magtaste test ng posibleng recipe na ibebenta namin kaso naman nga, pareho na kaming napagod. Nahawa na sya sa pagkaantok ko. 😀

Ayun lang ang kwento ko ngayon.

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s