Kuwentong 90s ko

Minsan, sa sobrang daldal ko, napapahaba ang kwento ko. Tapos kapag babasahin ko na, ako mismo tinatamad.

Nga pala, thank you po sa lahat ng nagbabasa ng kaartehan ko (kung meron man). ❤

Simulan natin sa picture ko na to. Two years old pa lang ako dito. Sabi nila, pinakuhanan ako ng picture sa isang studio. 38004_1319905811679_5074834_nDi pa daw uso ang colored nun at may kamahalan. Kaya ayan ang picture ko, parang may filter.

Tumira kami sa NPC Village, Bagac, Bataan noon. Dun na ako nagkaisip at nagdalaga. Halos lahat ng friends ko dun galing.

Uso ba sa inyo yung sagala? Sa Village namin, bongga ang mga nagiging Hermana Mayor. Lahat ata ng anak ng40485_1319900131537_144566_n.jpg empleyado kasali sa sagala. Yung ibang bata, sapilitang sinasakay sa bike na may kung anong makikinang na anik anik sa likod. Naaalala ko dito, nakakatihan ako sa gown ko. Sabi ni Mama, smile daw ako. Ayan po ang smile ko. #VeryHappy #Enjoying


06mon

Mon Confiado MNS Photo

Dati, mahilig kami ng kapatid ko na sumipsip ng maliit na patak ng tubig galing sa santan. Sobrang tamis nun! One time, naubos na namin yung mga bulaklak sa halaman ng santan. Tapos may parating na lalaki. Kabang-kaba talaga kami! Kala namin papagalitan kami kasi ang kalat ng ginawa namin. Takbo kami ng kapatid ko. Sya nga pala yung lalaking susugod sa amin.


Yung bahay namin sobrang daming halaman. Tuwang tuwa kami noon kapag nagtatalbos kami ng kamote. Tapos ilalaga namin. Ilocano kasi ang Papa ko kaya kung anu-ano ang tanim nya. Meron syang saluyot, kadios, malunggay, kamote, kamoteng kahoy, gabi, duhat, bayabas, kalamansi, sili, papaya, mangga, pomegranate, at santol. (Habang sinusulat ko to, namimiss ko ang D-10A). Anyway, bukod sa mga halaman, may alaga kaming mga pusa, manok, rabbits, at dogs. Sobrang dami naming pusa! Sino naman ang makakalimot sa pusa naming si Balakatak?


148667_1426936527380_2601897_n.jpg

Cocoy, Moca, Ak

Si Moca, yung bunso namin ang nagpangalan ng pusa na yan. Nanghahalik sya tsaka malambing na pusa. Yung aso namin, si Pirate, Muymoy, Jordan at Sheila Marie. Nakagat pa nga ako ni Pirate sa bandang mata. Buhay pa naman ako ngayon hehehe. Tsaka alam ko up to date ang bakuna nun that time. Yung mga rabbit namin sobrang dami. Tuwing umaga, farmville ang ganap ng kapatid kong si Cocoy. Gagawin nya, gigising sya ng 5 AM para manalbos ng kamote para ipakain sa mga rabbits. Isang araw, nagustuhan na bilhin ng naniningil ng cable yung rabbit. Binenta ni Papa ng 150 per kilo. Ang isang rabbit nasa 6 kilos siguro yung malaki. Nung nalaman ni Cocoy na binili yung rabbits nya para kainin, umiyak sya. Naiimagine ko pa yung galit nya kay Papa nun. Haha. Inuto na lang sya ng Pringles at Coke in can nun para manahimik sa kangangawa. Marami na rin kasi yung rabbits eh, nasa 20 plus na sila. Ang bilis din nila dumami. Parang naitabi mo lang saglit, buntis na agad. Ang isang anakan ng rabbit nasa 9-12.


Sabi nila, madami daw multo sa bahay namin. Di ko alam kung marami pero may nagpakita na sa akin noon. Silhouette lang naman pero kahit na, nakakalaki pala ng ulo yun! Nakatalukbong ako ng kumot kasi di ako makatulog. May naririnig akong yapak ng paa, kahoy kasi yung tiles. 3 AM na yun, pinipilit kong matulog. giphyPagmulat ng mata ko, kitang-kita ko yung kamay na hinahaplos nya yung ulo ko. Di ako makasigaw kahit nasa kabilang kama lang naman sila Mama at Papa. Nadasal ko na yata lahat ng dasal na alam ko. Pati nga ata yung dasal bago kumain nadasal ko e. Akmang bubuksan na nya yung kumot ko, lumakas ang loob ko at sumigaw ako ng sobrang lakas. Gising lahat. Tapos di ko masabi ng diretso yung nangyari. Di rin ako nakatulog nun kahit binuksan na yung ilaw.


Ang mga trip namin noon ng mga kalaro ko ay maghanap ng puno ng mangga. Masarap kasi yung ikaw ang aani ng mangga. Parang ang galing galing mo na kapag napahulog mo yung pagkadami-daming indian mangoes. Kung hindi iyon, bayabas at papaya ang trip namin. Paborito naming isawsaw sa suka na may bawang. Nangangasim tuloy ako. Kapag busog na kami, magtutuhog pa kami ng mga fishballs sa kanto at maghahalo-halo. Kapag malilim na, lahat ng laro na maisip namin lalaruin na namin. Isa sa mga trip namin na gawin kapag malilim na ay ang magpahabol sa aso. Yung kaba kasi ng dibdib mo habang tumatakbo tapos ang tulin-tulin ng takbo mo, ang sarap kasi sa pakiramdam nun! Para ka na rin sumakay sa roller coaster pero anytime, pwede kang makagat sa pwet ng aso.


Sa Public School kami nag-elementary. Halos lahat ng friends at pati bestfriend ko, dun nag-aral. Dun na kami sabay sabay talagang lumaki. Noong nauso ang Spice Girls noon, may nabuong grupo ng Spice Girls. Dalawang grupo yun. At nasa isa akong grupo na medyo losers. Hahaha. Mas sikat kasi yung iba e kaya, sila na! (Friends ko naman na sila ngayon kaya OK lang). Anyway, mag-aaway-away pa yan kasi dapat isang grupo lang ang Spice Girls sa school. Ganito din ang nangyari sa Power Rangers. Agawan kay Pink. Pag yellow na ang ibinigay, sad face ka na. Pero ang di ko malilimutan dito ay yung mga pangyayaring plus 1 ka sa grade mo kung mabunutan mo si Ma’am ng uban. Plus one din naman ang namili ng mga candies na di nabili sa canteen.

Nabully din ako dati. Yung nambubully sa akin, friend ko naman na ngayon. Dati kasi, may rambutan na pinabaon si Mama. E 3 pieces lang yon. Di pa ako nag-agahan nun kasi nalate kami ng gising ni Mama. Hinatid pa nga ako ni Mama nun. Sabi nya, kainin ko daw yung rambutan para di sumakit tyan ko. Masakit kasi tyan ko that time, parang nangangasim. Tapos, hinihingi nung classmate ko yung rambutan.  Syempre, di ako papayag kasi pabaon ni Mama yun at gutom talaga ako. Pinaliwanag ko naman sa kanya na pinabaon sa akin yun ni Mama kasi di pa ako nagbebreakfast. Inagaw nya yung rambutan. Sa gigil ko, napalipit ko yung kamay nya. Natakot ako nun. Hahaha. Pero maldita din kasi ako kapag gutom. 😀 Kinabukasan nun, natakot akong pumasok baka kasi abangers na yung nanay nya sa school. Andun lang ako sa malayo at ayaw ko pumasok. Tapos sabi ng isang classmate ko, wala yung Nanay nya, pasok ka na. Happy na ako! 🙂


Napakahilig namin mangloko sa phone. Yung phone namin libre ang tawag locally at sa Manila. Tapos di sya di pindot, as in yun dinadial – iniikot. Madalas namin tawagan yung Pizza Hut (Sorry po). Kasi uso yung commercial nila noon at madaling imemorize.

Pizza Hut: 911111 Pizza Hut Delivery. May I take your order?

Kami: Double Double Pizza, please?

Pizza Hut: Address po.

Kami: Manila, Bagac, Bataan.

Takang-taka pa kami kung bakit nahuhuli kami. Manila naman ang address.

May time din na nakuha ko yung number ni Patrick Garcia, at take note, house phone number yun.

Kami: Pwede po ba kay Fatrick?

Cheska Garcia: Sino to?!

Kami: Ate Cheska???

Cheska: Paano nyo nakuha number namin?

Kami: You’re my fan!

Nagpanting yung tenga nya sa narinig. Naimagine ko yung inis ni Ms. Cheska nung narinig yung english namin! Hahaha.

Emsaymada


Featured Image: http://www.karyoberbrunner.com/red-phone

http://www.balita.com/mon-confiado-to-portray-aguinaldo-in-2-more-films/

Advertisements

One thought on “Kuwentong 90s ko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s