Ber

Kapag tinatanong ko si Ber kung niligawan nya ako, naiinis sya sa tanong ko. Hahaha. Tapos tatanungin ko sya kung mahal nya ako dati nung di pa kami, inis na inis lalo sa akin, haha!

Laging sinasabi ni Ber, niligawan kita pero di mo ko pinili. Kasi ako naman nun, di ko alam kung nililigawan ako o hindi. Lagi naman akong open kay Ber. Never akong nagpacute ng sagot kapag tinatanong nya ako about sa mga past relationships ko. (Wow! With “s” talaga ang relationship haha).

Naaalala ko lang dati, may nanliligaw sa akin nun, yung ex ko. Tapos si Ber, tinanong nya ako, “ako kaya pwede?” Alam ko, pinag-uusapan namin nun yung nanliligaw sa akin. Tapos siningit nya yung tanong na yun. Naloka ako ng slight! Yung feeling mo mainit yung mukha mo? Pero di naman ako nag-assume kasi nga magkabarkada kami. So, hindi ako nagreply. Tapos nagtext sya ulit after an hour…

 “joke lang yun ha.”

Yung nalito ka sa pakiramdam mo? Tunay ba yon? Bakit nya ijojoke yun? Di ko alam talaga. Sinabi ko yun sa friend ko. Sabi nya, “baka niloloko ka lang.” Ako naman syempre, nahurt pride ko hahaha. Never kasi may nagsabi sa akin na “liligawan kita”. Puro pahapyaw lang halos. Ganoin. Tapos mostly, di natutuloy. (Hinahangin na ang hair ko hahahaha).
Iniisip ko nun, kapag nakikita kaya ako ni Ber kinikilig sya? hahahaha. Kaya nung mag-jowa na kami, tinanong ko agad yun. Sabi nya, natutuwa daw sya sa kin. Yay! Wagi!

Kahit may jowa pa ako nun, lumalabas kami ni Ber. Sabay din kami umuwi. Nililibre nya pa nga ako ng Chowking nun e. Tapos nung Christmas, alam nya na may pasok ako nun. Ako lang ang nag-iisang may shift sa aming magkakabahay. Si Ber nun, sabi nya, “Ems, hati tayo sa bayad ng pizza, handa natin sa pasko.” Malungkot kasi ako nun. Iniwan ako ng ex ko. Natuwa ako kay Ber nun kasi di nya ako iniwan sa bahay. Wala syang shift nun pero nagstay sya sa nirerent naming apartment imbis na umuwi sya sa bahay nila nung pasko! Tapos nun, kumain kami ng pizza, tapos nagkwentuhan kami. Ayun. Wala lang, di pa rin kami. 😀

Nag-inuman kami nila Irene at Anj nun. Nag-uusap kami ng kung anu ano. Alam ko pa nga mangga yung pulutan namin. Bangenge ako nun. Tapos sinabihan nila ako na “hayaan mo na yung Ex mo na yon. Wapakels ka na lang.” Sinunod ko naman.

After nun, nagsulat ako sa notebook non – dasal yun eh. Sabi ko sana yung next na mameet ko, forever ko na yon. Sana last na yon. Basta ganyan yung sinulat ko.

Bagong taon nun, nagkayayaan kaming uminom kina Lori. Sobrang bangag na kami. Tabi-tabi kaming lahat sa sahig natulog. Tapos katabi ko kasi nun si Ber at Irene. Napagitnaan nila ako. Niyakap ako ni Ber nun. Mala-spooning ganoin. Di ko na inalis yung yakap nya. Sarap kaya ng feeling na may yumayakap sayo. Tapos nakatulog na ako.

Pagkapasok ko ng office nun, yung isang friend namin, nakasmile ng matindi. “Ems, nakita ko yon!” (Oo na Lori, ikaw to haha). Ako naman nakasmile lang. Tapos hinahanap ko si Ber. Di ko rin alam kung bakit. Nakasalubong ko sya nun. Sabi nya inom daw ulit kami.

Ayun nga, nag-inom kami ulit kina Lori. Lima lang yata kami eh. Haha. Tapos di ko alam yung pakiramdam nun. Hilong hilo ako nun. Tapos sumandal ako kay Ber. Sabi ko pasandal. Tapos, ayun.

Kiniss nya ako.

Yes, lasing ako. Very very very very lalasheeeng. Pero alam ko yung ginawa ko. Kiniss ko din sya nun. Kasi di ko alam. Di ako umiwas. Kasi yun yung kiss na tagos. Yun yung kiss na parang may kung anong insekto sa tyan mo. Yun yung kiss na mahal ako nito. Choooosssss!

Kinabukasan, sabi ko non, dun natin pag-usapan kung ano tayo. Basta ganon. Nagholding hands kami. Umuwi kami sa bahay nun, tapos iniwan namin yung isang housemate namin. Tapos natulog kami. Opo, natulog LANG kami. Walang halong charing.

Kinabukasan, parang syempre kami nga bangenge pa rin. Di namin sure kung iaannounce na ba namin na kami na. Papalitan na ba namin yung relationship status namin? Ililink na ba nya yung name ko sa Facebook nya? Mga ganon. Tapos naaalala ko yung isa naming team mate, pinagkalat na nya. Syempre, pressured kami ni Ber. Haha.

Sabay kami na kumain sa pantry ni Ber nun. Tapos nagtetext kaming mag-usap kahit magkaharap na kami hahaha. Dun kami nagtatanungan kung kami na ba. Haha. Tapos sabi nya papalitan na daw nya Facebook status nya. Sabi ko sige, aaccept ko naman yung relationship status nun.

Umabot kami ng 5 years. Madami kaming pinagdaanan. Nagbreak po kami, mga 1 week. Di ko kineri yun. Naiiyak ako araw-araw nun. Pero naisip ko nun, di na ko uulit kapag kami na ulit. Talagang iyak ako eh. Hahaha. Hindi naman kasi nalaman ng lahat yung break up namin kasi never naman kaming nagpalit ng relationship status o nagparamdam sa social media. Basta after nun, parang sabi namin next step na tayo. Magsettle down na tayo.

Ayun. Ngayong mag-asawa na kami, narealize namin na masyado kaming bagay sa isa’t isa. Nakakainis haha. Yung akala namin na di namin magagawa, kaya pala namin. Yung nagjajogging na kami, mahilig kaming sa bahay lang magdate, basta. Ang dami naming natututunan sa isat-isa. Si Ber pala, ayaw ng Okra hahaha. Bakit kaya nasingit to?

Ayun lang ang kwentong poreber ko.

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s