Kuwentong Sinigang

Hindi lahat, makukuha natin.

Ang seryoso naman ng sinabi ko. Pero naaalala ko kasi si Mama kapag iniinis namin s’ya na hindi sya nagluluto.

Sabi n’ya, hindi puwedeng lahat ng talents hakutin mo. Noong bata ako, di ko naiintindihan ‘to. (Magaling kasi sumayaw si Mama ko). Pero nung sumayaw ako for the first time nung Highschool, nagets ko agad haha. Di ko alam kung saan nakuha ng classmates ko yung choreography na yun. Bakit na lang pasayawin kami sa stage, at nasa unahan pa ako. Kapag naaalala ko na napasayaw ako noon, juicecolored! Napapa-issssshhh akong mag-isa. Minsan nga, naririnig pa ng asawa ko yung “Isssssshhh” tapos tatanungin n’ya kung bakit daw. Ako naman itong nahihiya, nagdadahilan ako matakpan ko lang yung hiya ko sa sarili ko.

Noong elementary, sumasayaw naman ako. Galing na galing ako noon sa sarili ko. Pero pag nakikita ko yung mga pictures ko, bakit yung mga classmates ko, todo yung pag pose nila, ako diretso?  Tapos silang lahat nasa kanan, ako nasa kaliwa?

Naalala ko na naman noong Nursery ako. Commencement exercises yon. Nagpapractice kami para sa dance performance. May step kasi doon na parang dadapa kami. Siguro wala na akong energy noon. Nakatulog ako! Ginising na lang ako noong baklang nagtuturo. Tapos naririnig ko pa yung mga nanay ng classmates ko na naghihintay sa mga susunduin nila, “Naku, kawawa naman pagod na siguro yung bata”. (Totoong maaalalahanin po ako, ayun yung award ko nung Nursery. Naaalala ko talaga yung mga moments na nainis or napahiya ako).

Kung si Mama ko ang magaling sumayaw, ako yung mahilig magluto. Grade 1 ako noon nung ginugulo ko si Papa sa kusina. Ako yung tumutulong magputol ng sitaw, or maglinis ng bulaklak ng kalabasa. Ayan yung natatandaan ko na pinapagawa sa akin. Minsan, iba-iba pa nga yung size nung pinutol kong sitaw eh. Kapag ilalagay na yung gulay sa nilagang baka (na favorite ko noon), gusto ko, ako ang maghuhulog sa kumukulong sabaw. Tapos sasabihin lang ni Papa na “kapag ganito na ang kulay isunod mo na yung isa pang gulay.” Ganyan ako natuto. Grade 2, marunong na akong maggisa-gisa ng corned beef at sardinas. Marunong na rin akong humawak ng kutsilyo. Grade 3, ako na ang pinamamalengke ni Mama. Alam ko na rin magluto ng mga may sabaw na pagkain. 

Grade 4, unti-unti akong natuto ng iba’t ibang putahe. Pinapakailaman ko yung cookbook sa bahay. Eh, english. Pinipilit kong intindihin. Minsan talaga, gigive up na ako kasi nga english eh. Haha. Natuto lang naman ako ng matinong english noong highschool na. #Ganern #Honest

Sila Mama noon, hilig na hilig magsasali sa Sambale. Sayawan yun sa Bagac noon. Laging panalo ang NPC, na chapter namin. Minsan, syempre, si Mama ang naghohost sa mga kasayawan n’ya na malayo ang bahay. Si Mama noon, bibigyan ako ng pamalengke at ako ang magluluto. Nagluto ako ng sinigang noon. Bilang Grade 4 at wala kaming gas noon, sa rice cooker ako nagluto. Sabi ko kay Mama nun, “Mama, baka di masarap ang luto ko.” Si Mama, sabi nya OK lang daw yun. Hiyang-hiya ako noon lumabas kasi baka namimilipit na sila sa asim nung sinigang ko. It turns out, nasarapan sila. Ewan ko lang ha, kasi siguro bata pa ako at gusto nilang ‘wag manghina ang loob ko. 😂 Pero, sabi nung isang Nanay sa akin nun, “Ang sarap mo na palang magluto kahit bata ka pa. Saktong sakto yung timpla”. #kilig #proud #uto-uto

Nacurious naman ako sa sinasabi nilang masarap ang luto ko, so tinikman ko. (Di ko kasi tinitikman ang luto ko dati, basta feeling ko ok na yun nilagay ko, yun na yun). And in fairness, masarap nga. #nagbuhatngsarilingbangko

Madami din naman akong palpak na naluto. Kunwari, yung mga imbensyon. Imbey na imbey. Hahaha. Kapag alam nila Cocoy at Moka na parang science project yung itsura ng luto ko, isusumbong nila ako kay Mama or kay Papa, “Mama/Papa si Em-Em may imbensyon ulit oh!” Meron din akong nilutong tomato soup. Di ko kasi nasala ng maigi yung macaroni after maluto. Inilagay ko agad sa sauce. Nagtubig malasopas haha. Iniinis ako ni Ber nun (boyfriend ko pa lang sya nito). Anytime, pwede ko na syang i-break. #seryoso #iloveyou

May palpak din akong ginawang gulaman, buko salad. Hindi ko linya talaga ang dessert. Aminado ako dun. Mas ok ako sa savory meals. #wowsavory 

Mahilig akong manggaya ng nakikita ko sa net. Kahit di ko alam ang lasa n’ya, si Moca ang nag-te-taste test. Lahat ng ipakain mo sa kanya, masarap. Kaya kapag sinabi n’yang nakakahilo, ayun na. Di na talaga masarap yun. Mga twice pa lang naman n’ya nasabing nakakahilo ang luto ko.

Ang next judge ko naman ay ang aking asawa. Ang asawa ko, mahilig sa menudo at papaitan. Dito na lang akong natutong maglinis ng innards noong nasa manila na. Di kami pala tomato sauce sa bahay namin sa Bataan. Kaya nangangapa ako sa lasa nung paboritong ulam ng asawa ko. Buti naman, nasarapan siya sa mga inihahain ko sa kanya.  #loveakoeh

Aaminin ko, napakahilig ko noong college gumamit ng mga vetsin, magic sarap, etc. Pero dahil sabi ni Mama di na daw pwede yun, at dahil na rin sa impluwensya ng mga food channels especially Gordon Ramsey, mas ok yung pinaghihirapan mong kunin yung flavors naturally. Kakanood ko ng ganyan, nahilig na ako sa mga herbs at iniisa isa ko yung mccormick spices (dahil may kamahalan nga). So far, may star anis ako na nakastock, curry powder, cayenne, paprika. Next grocery, Rosemary at Oregano ang kukunin ko. 

Tinatamad na ba kayo? Ako din e. 

Ang gusto ko lang naman sabihin, sa hinaba-haba ng post ko, hindi lahat puwede mong hakutin. Hindi lang sa talent ha, pati sa ibang aspeto na rin ng buhay. Maaaring di ka pa nakakahanap ng poreber mo. Yung tipong lahat ng kakilala mo kasal na, ikaw nangungulila, pero ikaw yung may bonggang bonggang trabaho sa lahat. Puwede ring wala kang work ngayon, pero napakablessed mo naman sa buhay dahil mahal na mahal ka ng asawa mo at nakikita mong lumalaki ang anak mo o kaya ng mga taong nakapaligid sa’yo. Maaaring hirap ka ngayon sa trabahong meron ka, pero umuuwi kang nakikita yung mga taong sinusuportahan mo na masaya at lubos ang papuri at pasasalamat sa’yong paghihirap. Di ka magaling kumanta, pero pinakikinggan ng lahat yung mga sinasabi mo dahil magaling kang lider. Maraming tumatalikod sayo, pero mas nakikita mo yung mga tunay mong kaibigan at kapamilyang di ka iniiwan. OK? Madami pa, pero ito ang sa akin.

Di ako marunong sumayaw pero marunong naman akong magsigang. 

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s