Nagmahal. Nasaktan. Nagblog.

Halos lahat naman siguro tayo nakaranas ng sakit. Maaaring pisikal o emosyonal na sakit. Ay, naku. Siguro marami kayong naaalala o inaalalang mga panahon kung kailan kayo nasaktan. Ako din, ganon. Inaalala ko yung mga oras na nagpakatanga ako sa pag-ibig.

Aminin na natin, kapag nagmahal tayo, minsan wala ka ng itinitira sa sarili mo. Umaabot pa nga sa point na kahit siya yung mali, OK lang na ikaw ang umako ng pagkakamali. Maging OK lang kayo. ‘Wag ka lang niyang iwan. OK lang na ikaw ang masaktan para lang magtuloy-tuloy ‘yung relasyong inaalagaan mo.

May mali sa last na sentence, noh? Ulitin natin,

OK lang na ikaw ang masaktan para lang magtuloy-tuloy ‘yung relasyong inaalagaan MO.

Sabi nga nila, ang relasyon, dalawang tao yan. Hindi pwedeng tatlo. (Mga #^@*@&#% na mga third party). Lalo namang hindi puwedeng mag-isa ka lang. 

Hooooyyyyy!!! Di ako expert ha. Ito ay sabi sabi ko lang. 

Dumaan din ako sa katangahang ganyan. ‘Yung bigay ako ng bigay. Ako ang nag-e-effort. Basta ‘yung mukhang tanga. Bulag-bulagan, bingi-bingihan. Tapos in the end, ikaw pa ang nagkulang, ikaw pa ang mali, ikaw pa ang selfish. Pakyu. Haha

Kapag naaalala ko ngayon lahat ‘yon, natatawa ako!!! Ang tanga kasi eh. May kasama pa akong iyak n’yan with special videoke song. Kung todo ang pagpapakalasing at pagwawala. May nalalaman pa akong masalimuot na blog (in fairness, natuto akong magblog dahil dito) at shout out sa Friendster – “Forgiveness is me giving up my right to hurt you from hurting me”. Ganyanan ang shout out ko nun with Evanesence song na background music ko sa Friendster. Haha! May picture pa akong emo ang itsura ko. Inis na inis pa nga sa akin ‘yung kapatid ko noon kapag nagpapapicture ako sa kanya kasi dapat lumabas na malungkot ako sa picture, kaso resting bitch face ako e. Mukhang nanggagalaiti sa galit parati. Hahaha. 

Idadamay ko pa yung mga kaibigan ko sa katangahan ko sa pag-ibig. Haha. Naiisip ko, ang sarap ko yatang sabunutan non. Pamatay ako ng trip. Ang saya ng usap eh, tapos iiyak ako! Haha! Bwisit yong pinaggagawa ko! Nakakaasar na umabot ako doon.

May marinig lang akong kanta dati, naiiyak na ako. Feeling ko ng lahat ata halos ng kanta. Kahit tipong Asereje, naaalala mo s’ya. Lahat na! Makakita lang ako ng dahon o lapis o papel o asukal basta lahat na, nai-i-associate ko sa kanya. May sayad eh, ganern. Pakyu talaga!

Eh, kasi nga, ayaw mo kalimutan. Kaya mo naman eh. Takot ka lang. Takot ka lang mag-isa. Takot ka magstep forward. 

Kung iisipin mo, kailangan talagang mangyari lahat yan, para naman maging ready ka na sa forever mo. Kasi sa time na single ka ulit, madami kang reflections. Maiisip mo na mahalin ang sarili mo. ‘Yung ganun. And ang pinakamagandang nangyari sa akin noon, narealize ko na kailangan ko lang pahalagahan ang sarili ko. Kailangan kong magdasal. Kailangan ko lang mag-pamanicure. Kinailangan ko lang mag-pastraight ng buhok kay Pepay. Kinailangan ko lang mag-pabrace. Nagmahal, nasaktan, nagpabrace! 

Tinanggap ko sa sarili ko noon na di na ako makakahanap ng magmamahal ulit sa akin. Sabi ko na lang,

Lord, kung may darating man po, sana siya na po. Kung ‘di rin naman s’ya ang makakasama ko habang buhay, ok na po akong mag-isa.

Ganyan. Dapat walang takot. Kaya kong mag-isa! 

Parang nakapagplano na ako noon na single ako forever. Sabi ko, bibili na ako ng bahay. Pabili na talaga ako noon. Nag-iipon na ako. Tapos sabi ko, gagalingan ko sa work. Ayun, napromote ako. Sunod-sunod yung blessings ko noon. Nagkaroon pa ako ng mga kaibigan at until now, kami pa rin ang magkakaibigan. 7 years na pala! Congrats sa atin! 😂

Kung hindi nangyari yung mga katangahan ko noon, siguro di ako matututo. Sabi nga nila, may mga taong darating sa buhay mo bilang leksyon. 

‘Yung love, di naman talaga mapipigilan yan e. Darating talaga ‘yan. ‘Yun lang, minsan talaga hindi swak. Kahit gaano pa kayo katagal magjowa, hindi pa rin kayo sa huli. 

Basta bago pumasok sa isang relasyon, alamin nyo yung goal ng relationship n’yo. Pareho nyo bang gusto yung pinasok nyo? Ready ba kayong harapin ‘yung mga pagsubok? Handa ba kayong dalawa na tanggapin yung mga ugali nyo? 

Wag papasok sa relationship kung ita-try mo lang. Ano ito free taste ng 555 tuna? Magka-kasakitan lang kayo. ‘Wag ganern. Kahit matagal kang maghintay, basta sure ka naman na s’ya na. Pero ‘wag mo namang ikatagal. ‘Di ka pala makahanap kasi ‘di ka naman lumalabas. Tapos ngiti ka rin naman. ‘Wag mukhang librarian. Ayus ayos din. Tapos iimik ka din. 

2nd chances? Medyo ‘di ko alam kung gusto nyo yung paliwanag ko, pero I’ll say it anyway. Kapag ikaw ang iniwan (meaning di mutual ang decision to break up), at bumabalik sya ulit sayo, NO. As in NO! NO! NO! Sapat na na iniwan ka nya once. Wag mo ng gawing twice. Ano yung reason bakit ka nya iniwan tapos babalikan ka ulit? May narealize ganern? Or may pinormahang di natuloy? Ganyan kasi mga besh. Makakapal mga mukha nyan. Iniisip kasi n’yang mga ‘yan, “ire-reserve n’ya ako. ‘Di ako kayang iwan nito. Balikan ko na lang”. Sa palagay ko, kapag binalikan mo ‘yan, feeling nila sila ang may control sa relationship. Kaya ka nilang hawakan sa leeg kasi alam nila na kahit ikaw ang nasaktan, ikaw pa rin ang nagbaba ng pride. Ganern. Dapat iparamdam natin na, “you can only have me once. You leave, I’m gone.”

Minsan-minsan mga besh, ok din na ikaw ang hinahabol pero wag abuso. Palambing din besh. ‘Di puro ikaw ang lumalambing. Palandi ka din sa kanya minsan. 

‘Wag masyado sa kanya ang oras. Mag-set ka lang ng time. Kunwari ganitong oras lang kayo mag-text or ganitong day lang kayo magkita. Wag masyadong magdidikit. Masakit sa mata. Joke lang syempre. Ang point ko lang, ‘wag naman yung tipong nasa work ka ang landi-landi n’yong dalawa. Pag-usapan nyo na may oras sa landian. May oras din para maglinis ng bahay at sumunod sa utos ni nanay. ‘Wag puro jowa. Kung mahal nyo ang isa’t-isa, magka-ka-intindihan kayo.

Sex? Sabihin na nating mas OK gawin ang mga bagay na ito kung naiharap ka na sa simbahan. Mas ok yatang gawin ito nang walang halong kaba at pag-aalala na baka mabuntis ka. Syempre, no offense po. Sa aking pananaw lang naman po ito. Wag po kayong magagalit. Kung gagawin nyo naman po, uhmm, di ko ini-encourage ha (dami ko disclaimer eh hahaha), sana po ready po kayong pareho. Yung tipong, responsible. Ganern. 

Lastly, magpaligaw. Ipakilala kay mudrakels at padir ang jowa. Magagaling kumilatis ang parents. ‘Pag naging mag-jowa pa kayo, mas napapayuhan kayo ng parents n’yo. Umaatikabong, no sex, anak. Ganern. (Naganyan ako. Haha. Mahirap magpigil sa totoo lang. Pero kapag iniisip mo yung mukha ng nanay mo, nakakatulong pigilan. Patay na ako kay Ber, sinabi ko to.)

Sa akin lang ‘tong mga sabi-sabi ko ha. Siyempre kanya-kanya tayo ng opinyon. Kanya-kanya tayo ng paniniwala. Di naman ako expert, pero base sa mga napagdaanan kong katangahan, ayan ang mga paniniwala ko. Puwede nyo akong abangan sa kanto (hahaha) kung nagalit kayo sa blog ko.

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s