Dramarama

Sa totoo lang, ang hirap mag-isip ng i-ba-blog. Kanina, wala kaming internet connection. Nasira pa yung external hard drive namin. Wala kaming mapanood at magawa ng asawa ko. Haaaayyy. Nagprepare na lang kami ng spaghetti para sa mga friends nya na nandito ngayon. Naglalaro sila ng Monster Hunter Generations. Payag na payag ako kapag ganito ang mga trip nila, at least di sila nakahawak sa isang baso ng Red Horse at yosi.

Ako ang nagsisilbing DJ nila at feel na feel ko naman. Hahaha! Nagpapatugtog ako ng mga kantang naaalala kong tinutugtog namin non ng mga kabanda ko sa Baguio. Drops of Jupiter ang nag-pe-play ngayon.

Bukod sa wala kaming internet connection at nasira ang external HD namin, tumalsik naman yung tubo ng tubig sa banyo namin. Ang lakas kasi ng pressure sa gabi, kaya di na kinaya ng tubo. Buti na lang mabait yung landlady namin, nakatok ko pa kahit ala una na ng madaling araw. Pinakiusap namin na patayin muna yung tubig kasi di keri. Sumasambulat talaga eh.

Last week, umuwi pala ako ng Bataan. Dinalaw ko yung pamangkin kong ubod ng cute. Si Gab nga pala sya. Feeling kasi nun, nanay nya ako. Pag andun talaga ako sa bahay namin sa Bataan, ako ang nag-a-asikaso dun. Sobrang cute kasi. Ang takaw na nya at ang sarap sarap ipagluto kasi kakainin nya talaga. Kaso nung paalis na ako, nakayakap talaga sya. Tinatanong nya nung gabing bago ako umalis kung anong oras ako magigising para magbyahe. Sabi ko baka alas tres. Aba, at alas tres nga, gising na sya. Nagsuot na sya ng sapatos at sasama na daw sya. Tapos noong nakaramdam na di ko sya isasama, umiyak na ng todo. Awang-awa naman talaga ako sa kanya. Pinipigilan ko lang umiyak eh.

Tuwing umaga, nagpupunta kami ni Gab sa palengke. Di naman kasi papayag yun na di sya kasama. Namamalengke kami, tapos magpapabili sya tig-sampung pisong pang-bubbles. Kapag darating naman kami sa bahay, magluluto na ako ng baon namin. Usually kasi, sa office kami ni Mama nag-la-lunch. Dun din kasi nag-aaral si Gab kung saan nagtatrabaho si Mama ko. Araw-araw ganun lang kami.

Kapag nasa tricycle naman na kami, aabutin kami ng around 30 minutes papunta sa office ni Mama. Ang ginagawa ni Gab para di sya mainip, kinakanta nya yung buong album ng Frozen.

Noong dalaga pa ako, di na talaga lumalayo si Gab sa akin. Ako kasi nag-alaga sa kanya after kong magresign sa work. Feeling ko naman, nanay nya talaga ako. Nag-aaral na kasi yung nanay ni Gab, kaya ako naman na ang tumayong nanay nya. Nakakapagod pero masaya. Kapag inaaya nga ako ng date ni Jester nun, naiisip ko pa rin si Gab eh. Kaya nga nung lumipat na ako sa Manila, iyak ako ng iyak. Kasi parang naiwan ko yung anak ko sa Bataan.

Kapag umuuwi ako, ang laging tanong ni Gab, “kelan ka uuwi, Em-Em?” Honest naman ang sagot ko lagi para masanay na din sya. Lagi nyang sagot sa akin, “dito ka naman nakatira sa bahay, wag ka ng umalis kawawa ako.” Sobrang galing talagang mang-uto.

Basta tuwing umuuwi na ako sa Manila, nalulungkot talaga ako. Nasanay na siguro akong pigilan yung luha kong tumulo, pero pag andito na ako sa bahay namin ng asawa ko, naiiyak ako.

Para di ko masyadong mamiss si Gab, pinupuno ko talaga yung phone ko ng pictures nya. Tapos ipopost ko lahat sa Facebook at Instagram accounts ko.

Paano kaya kapag nagkaanak na ako? Si Gab, di ko pa sya anak, pero ayun na ang turing ko sa kanya. Ang hirap pala talaga.

Nakakabilib yung mga nanay na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kasi ako, at least pwede akong bumyahe kinabukasan kung gusto ko makita si Gab. Eh, sila? Taon yata at depende pa sa kontrata. Ang sakit-sakit siguro sa pakiramdam na malayo ka sa anak mo. Tapos pag-uwi mo pa, ang laki na nya. Minsan di ka pa nga nakikilala. Tapos ayaw ka pang yakapin. Pero ano naman ang magagawa mo kung dun talaga ang trabaho eh. Ginagawa mo yung sacrifices para sa mga anak mo, para di sila mahirapan at mabigyan sila ng magandang buhay.

Di man ako OFW, ramdam ko yung sakit na yon. Yung titiisin lahat kahit na-ho-homesick na.

Emsaymada

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s