Let’s talk about…

Lagi akong di confident sa sarili ko. Ayun yung ayaw ko na ugali ko. Madaldal ako, sure, pero sa mga kaclose ko lang. Kapag di ko feel yung tao, di ko na lang kinakausap. Tapos, kunwari nasa isang sitwasyon akong walang kakilala, mas ok sa akin na mag-isa ako. Eventually naman, may nagpapakilala sa akin tapos  may nakakausap na ako. Kung wala, ok naman ako. Nakakagalaw naman akong mag-isa.

Naaalala ko dati noong nagwowork ako sa pangatlong trabaho ko, napromote ako pero nalipat ako ng ibang department. Mababait naman mga katrabaho ko, kaso ako nga kasi di naman ako masalita. Basta work lang ako ng work. Syempre, sinasabi nila weird ako. Ramdam mo naman kasi kapag pinag-uusapan ka e.

Di ako mahilig mag-ayos talaga. May panahon lang na gusto ko magmake-up. Yes, shoes ang talagang pinag-aaksyahan ko ng pera pero damit, tshirts mostly. Natatakpan naman kasi ng jacket yung damit kaya wapakels na ako sa damit ko. Siguro di nila ko feel kasi di ako palamake-up tulad nila.

Siguro di ako yung nakikihalubilo agad agad. Dapat kilala ko muna sila bago ko ilabas kung sino ako.
Ewan, laging sinasabi ng mga naging boss ko na bakit di ako confident, alam ko naman yung ginagawa ko. Di daw ako lumalabas sa shell ko e.

Dati, nagbonnet ako sa office. Pinag-usapan agad ako. Nahiya ako nun. Pero ang sakit kasi sa bumbunan nung aircon. Hinubad ko sya dahil tinawanan ako, kahit masakit na sa bumbunan. Nalulungkot ako nun kasi ano bang mali? Nagtatrabaho lang naman ako. Wala naman silang narinig sa akin. Tapos may mga kusang lumapit sa akin non na naging friends ko naman agad. Alam naman nila yung struggles ko na hindi talaga ako palasalita sa mga di ko kaclose.

Ewan ko ba. May nang-away pa nga sa akin nun e. Kebago bago ko nun. Di ko naman sya inaano. Pero OK naman na kami. Naiiyak ako nun, pupunta ako ng CR tapos umiyak ako saglit. After nun OK na ako.

Maraming beses akong nag-aabsent nun kasi iniisip ko na lang lagi, kaya ko pa bang harapin yung mga yon? Baka tawanan lang ulit ako e. Tinatanong ako ng boss ko lagi bakit ako nag-aabsent, di ko naman sinabi. Nagdahilan na lang ako na hindi pa ako sanay sa oras achuchuchu.

Buti na lang may nakilala akong friends dun! They kept me sane! Dahil nga lilima kami, napag-uusapan namin yung mga kakaibang ugali ng mga nasa encantadia. May mga “da who” kami na isinesend sa email namin na pagkahirap hirap ng mga words dahil di ko alam kung baklang diwata ba ang nagsulat nito? Tipong yung clue mapapareply ka ng “clue pa nga”. Mga 2 hours bago namin madecipher kung sino yung pinapahulaan, or kapag next day na kasi hihintayin mo pa yung nagsulat na magshift ulit e. Sobrang tawang tawa kami sa mga pinaggagagawa namin. Siguro yung inis na lang namin sa mga ibat-ibang ugali ng mga katrabaho namin, dun na namin inilalabas. Yung frustration namin sa mga assignments namin na ginawa naming maayos, may nakikita pa ring mali. May mga taong kala namin friend namin pero may kailangan lang pala or may sinasabi na sa likod mo. Buti na lang, umalis ako. Yung mga friends ko naman doon, we are still in touch. Iba iba na rin yung napuntahan namin.

I won’t name names, kilala nyo naman kayo. Thank you for the friendship. Dahil sa inyo, nakapagstay pa ako dun ng matagal. 🙂

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s