Kuwentong ngipin

Idadaan ko na lang dito yung sakit ngipin ko. Kahit gusto ko ng magmura. Arrrrrggggghhhhh. Naiwan ko kasi sa Bataan yung retainers ko. Tapos nga, panahon ng allergies ko, ayun di ko sya naisuot. 3 months din yung itinagal ng allergies ko, naaalibadbaran akong umubo e, kaya di ko na rin isinuot muna. Kanina, isinuot ko na ulit. Ayun, ang sakit sakit talaga. Parang yung 2nd day ng braces ko ang feeling. Masagi lanh ng dila ko, ang sakit na. Buti na lang di ako makain ngayon at sa dami din ng bawal, edi medyo ok at di sya nasasaktan.

Alam mo yung nagdidikit dikit ngipin mo na para syang pinipilit humiwalay sa grupo ng ngipin? Gusto ko ng matulog pero di ko magawa. Ang sakit talaga. Edi tanggalin!!! Ayaw ko ng uminom ng gamot kasi andami ko ng antihistamine na pinapak. Awat na.

Kung tatanggalin ko naman, mamaya isusuot ko na naman, masakit ulit. Kelangan nya bumalik sa pwesto, or else, baka magpabraces na naman. Ayaw ko na po pabraces.

Bakit ba ako nagpabrace? Una, recommended na i-align. Ikalawa, lagi akong may sugat sa dila dahil sa sungki ko. Ikatlo, pinilit ni mama dahil ang pangit daw talaga ng ngipin ko e.

Kung makikita nyo po sa baba, mas maputi ako sa isa. Ahahaha char. Thank you sa filter.

Ayan, seryoso, nakalubog yung isang ngipin ko sa right picture. After braces, aligned na sya.


Mga 5 years akong nakabraces. Bukod sa nag-align ngipin ko, tumaba din ako. Tawang-tawa nga sa akin si Doc nun kasi ang laki ko talaga. Kasi nga, nakakabalik ako magpa-adjust sa kanya after 3 mos or more. (Madami nag ask sa akin nun nirerecommend ko yung si Doc sa mga nagtatanong kasi kitang kita nila yung pagbabago e.) Buti mabait si Doc at kahit matagal ako bago makapagpa-adjust, tinatanggap pa rin ako. OA kasi pagkaworkaholic ko nun. Kaya umabot din ng 5 years yung braces ko.

Yung natanggal na sya, para akong walang ngipin. Tapos ang kinis kinis ng ngipin ko. Kaso may mga bagay na di na ako nagagawa. Gaya ng pagbubukas ng chichirya gamit ang ngipin. Masakit kasi. Tsaka ang cheapengga lang. Hahahaha! Harabas.

Oh, ayan. Ok na ngipin ko. Keri ko na ang sakit. Nagdahilan pa akong magblog eh. Hahaha.

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s