PRC: Renewal and Change of Status (COS)

Kakagaling ko lang ngayon sa PRC – October 7, 2016. It only took 45 minutes para matapos namin ang process (kasama ko si Ber.)

Sa mga katulad ko na magpaparenew ng license at the same time magpapalit ng pangalan at civil status due to marriage, para sa inyo po ito. Mabilis lang naman po ang process. Puwede nyong i-try ang online KUNG RENEWAL LANG ANG GAGAWIN N’YO. Kasi yung sa akin may change of status kaya ito ang ginawa ko.

Requirements:

Forms – Change of Status Form and Renewal Form. Mas mabilis kung magprint na kayo ng sarili ninyong form para wala na kayong iintindihin pagpasok sa loob ng PRC kundi ang pumunta sa mga designated office na required.

  • Renewal Form, click here.
  • Change of Status Form, click here.

2 pieces passport size pictures, white background, with nametag. Ang inilagay ko na name na sa may picture ko ay married name. OK lang naman daw yun. 🙂

Original Marriage Certificate in Security Paper (yung nakukuha sa NSO) and a photocopy. 

PRC ID and a photocopy. Mas ok yung colored na copy, sa harap ng PRC, nagkalat ang nag-i-scan, pa-scan mo na lang ID mo ng baliktaran. Nangyari kasi sa akin dati, photocopy lang na black and white, pinabalik dahil masyadong maitim ang mukha ko dun. Kaya I suggest, colored copy, mas OK.

Ballpen para sa pag-la-log at paste para sa picture na ididikit sa form.

Game!

  1. Go there very early! 5 AM pa lang may pila na. Mas maaga, mas mabilis kang matatapos.
  2. Print mo na yung forms. Sa bahay pa lang, fill-out the form. Idikit mo na yung picture mo, bale tig isa, renewal at change of status forms.
  3. Pasok sa PRC. BAWAL ANG SHORTS, TSINELAS. Basta dapat maayos ka. Gown, ganern. As early as 7 AM, pinapasok na kami.
  4. Malapit sa exit, makikita mo dun yung METERED STAMP/DOCUMENT STAMP Section. 25 pesos yun. Ilalagay nila sa Change of Status Form mo yung red na dinidikit. Yung sa renewal, di na kelangan. OK?
  5. Dalawa ang building pagpasok mo ng PRC. Yung malapit sa CASHIER, ayun ang MAIN BUILDING. Yung malapit sa gate, ayun ang sa RECORDS. Gets?
  6. Pumunta ka sa 2nd Floor ng Main Building. Sa right, sa dulong-dulo, Legal Division. Pasok ka dun. (Andun naman si Manong Guard sa Gitna, ituturo nya kung saan.)
  7. Ibigay mo yung Change of Status form kasama ng photocopy ng ID at ng Marriage Certificate (so bale three papers ang kanyang hiningi.) Pagsasamahin ni Madam yun, tapos, i-dadry seal nya and mag-o-autograph sya dun. Ayun po, NOTARIZED na ang papers mo. Sisingilin ka ng 50 pesos. Mas mainam barya ang ibayad para walang aberyang maganap.
  8. Sasabihin ni Madam sayo kung saan ka susunod na pupunta. WINDOWS 28 ako pinapunta. Sa parehong building pa rin ni Madam, pero sa 1st floor. Dulong-dulo yun sa KALIWA/LEFT.
  9. Ibigay mo yung 4 na papel na hawak mo sa WINDOWS 28: Yung tatlo na inistapler ni Madam – photocopy of ID, photocopy of Marriage Certificate, at Change of Status form. Isasama mo din dun syempre yung RENEWAL FORM. So bale APAT (4) ang iaabot mo kay Kuyang malakas ang boses pero di naman galit, nagpapaliwanag lang. 🙂
  10. Wait mo lang matawag ang pangalan mo. Matagal ng konti, mga 10 minutes sa Change of Status kasi ipi-print pa nila yung renewal mo nun para sayo.
  11. Kapag natawag na ang pangalan mo, tumayo ka na.***Ibibigay na yung mga papeles sayo na may kasamang STEPS kung anong next mong gagawin. Di ko napichuran eh. Pero idedetalye ko na lang. Pero trust me, detailed yung steps na ibibigay.
  12. Magbayad sa cashier. May statutory fee na 225 pesos. 600 pesos na Annual fee and 60 pesos surcharge. Bale 885 pesos ang binayaran ko.
  13. Pupunta ka na sa RECORDS building malapit yun sa entrance, 5th floor. Doon ka sa verification section. Mag-la-log ka tapos ichecheck nila yung papers mo.
  14. Lilipat ka na naman sa isang building, sa Main Building ulit, 2nd floor ulit tayo mga friends. Right ulit, yung pinaka-unang pinto. Isa-submit mo na yung mga papers mo. Hahanapin sayo yung original copy ng Marriage Certificate tapos, maglalog ka ulit. Ibibigay na sayo yung claim slip.

2 months from the day na nagfile ka bago mo makuha ang ID mo na iba na ang name mo! Yehey!

Mabilis yung process dahil walang mga magboboard exam or magpaparegister ng bagong license.

BTW, pwede nga pa lang online yung sa renewal ha! Click mo lang here. Check nyo na lang yung steps.

Ayun! Sana nakatulong ito. Kung may tanong kayo, try kong sagutin pero mas mainam na pumunta kayo sa website ng PRC. Kei, click here.

Emsaymada

Update: Nakuha ko na yung PRC ID ko with my name changed to married name. At sa wakas, napalitan na rin ang aking picture sa ID!

Advertisements

3 thoughts on “PRC: Renewal and Change of Status (COS)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s