Happy Birthday, Ber!

August pa lang, nag-iisip na ako ng ihahanda ko sa birthday ng asawa ko. Nagstart na rin ako mag-ipon ng pakonti-konti para naman makapaghanda ako sa birthday n’ya! Bumili agad ako ng balloons para may backdrop siya kahit papaano.

Paborito ng asawa ko ang papaitan, kaya naman hindi dapat mawala yun. Alam ko, nai-share ko na dito yung recipe. Click here to view the Papaitan Recipe.

6 AM dumarating ang asawa ko sa bahay. Kaya naman 10 PM pa lang, nagpapakulo na ako ng matagal lumambot na lamang loob na gagamitin ko para sa mga handa ko kay Ber. Nagprep na rin ako ng bread rolls. Para kapag dating ng alas kwatro ng umaga, ipiprito ko na lang. Ito yung bread rolls na ginawa ko.

14686152_10206123988732677_1322494165_n

Hotdog and Cheese Bread Rolls

You can also watch the recipe by clicking here.

Ingredients: Bread, Hotdogs, Cheese, Oil, Pizza Sauce

Breading: Eggs, Panko, Salt, Pepper, Paprika (optional)

  1. Pitpitin ang tinapay gamit ang rolling pin, bote, or ang iyong kamay. Basta numipis siya.
  2. Hiwaain ang hotdogs sa gitna, lengthwise. Ganun din ang cheese.
  3. Optional: Magpahid ng pizza sauce (may nabibili nito sa grocery store).
  4. Ipwesto ang tinapay na padiamond, igitna ang dalawang hinawang hotdog. Ipagitna ang cheese.
  5. I-roll ng dahan dahan para di madurog. gawin ito sa lahat.
  6. I-ref ng 30 minutes, or pwede mo ng lagyan ng breadings.
  7. Sa paglalagay ng breadings, i-dip sa egg, then sa panko, then sa egg, tapos panko ulit. 🙂
  8. Iprito! Dapat mainit ang mantika ha.
  9. Wag sunugin! Aim for golden brown baby!
  10. Serve while hot. Pwede din magpizza sauce para sa dip.

Nagluto din ako ng Callos. Ewan ko kung ito nga yon, haha. Anyway, here is the recipe.

14620013_10206123988852680_1032991348_n

Callos

Ingredients: Oxtripe, carrots, potatoes, green peas, bell pepper, tomato paste, oil, salt and pepper, onion, garlic, water

  1. Pakuluan ang oxtripe hanggang lumambot. Hindi ko ginagamit yung tubig na pinagkuluan kasi medyo masebo eh.
  2. Igisa si bawang at sibuyas. Isisunod si patatas at carrots.
  3. Ilagay si oxtripe! Tapos isunod mo na ang tomato paste at water.
  4. Hayaang kumulo. Timplahan ng asin at paminta.
  5. Ilagay ang green peas at bell pepper. Patayin ang apoy.

Syempre, ang pansit daw na may pineapple. Yung pancit canton na may pineapple lang. Yun na yun. Haha. Anyway, ito ang recipe na nakuha ko sa net. Idadagdag nyo lang talaga ang pineapple. Click here para sa recipe!

14658425_10206123988932682_300326382_n

Syempre may arte akong ganito sa backdrop ng handa nya.

14627738_10206123989052685_268925895_n.jpg

I-explain ko kung bakit ganyan ang itsura. Kasi naman, bumili ako ng balloon September pa ata. Tapos, binahayan sya ng langgam! Yung letter “E” lang ang hindi nila binahayan! Sabi ni Ber, wag ko daw aalisin yan, dyan na daw yan forever and ever.

Ayan, lang. Tapos pala nagpabili ng casing ng N3DS nya at blender para daw makagawa sya ng Cucumber-Lemon drink nya. 🙂

Yan lang naman po!

Emsaymada!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s