Stranger Things?

Kanina lang, napansin ko na nawawala na naman yung salamin ko.

As usual, nakakainis maghanap ng isang bagay lalo na’t di naman malinaw yung mata mo.

Nahalughog ko na yung bahay, nagising ko na rin yung asawa ko. Wala pa rin.

Bigla kong nakita yung bag ni Ber. Binuksan ko yung lalagyan nya ng laptop. Nandun yung salamin na hinahanap ko.

For some reason, kinilabutan ako at nag-stay ako sa pinto ng banyo. Nasa banyo kasi si Ber that time at di ko gustong umalis sa takot.

Habang nasa banyo si Ber, tinatanong ko sya kung sya ang naglagay dun. Sabi nya, bakit naman daw nya ilalagay dun yung salamin. Isa pa, di pa raw nya inilalabas yung laptop nya sa bag. Naniwala naman ako dun kasi di ko naman alam na iniuwi nya yung laptop. Eh, sabi nya ako raw yung naglagay ng salamin kasi tinanggal ko na yung lalagyan nya ng baon eh. 

Huh?!?!

Lalo akong natakot. Una, di ko pa iniaalis yung baunan nya sa bag. Pangalawa, hindi din daw si Ber ang nag-alis nun kasi ako raw ang taga-alis nya ng baunan sa bag. 

Ok. Kahit ulyanin ako, alam ko naman kung naghugas na ako. Since walang tubig, di na ako nagbother na maghugas. Tapos iniaalis ko lang naman yung baunan kapag lalagyan ko na ulit ng baon nya.

Ewan ko po. 

Theory. 

*May di mai-explain na bagay na hayaan ko na lang 

*May alter ego na ako. 😀

*Baka totoo rin yung The Borrowers.

*Ulyanin kaming pareho

*May taong nakapasok sa bahay namin

*Baka gumagalaw si Pusheen pag patay ang ilaw 

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s