My top 5 TV Show/Series

Wala naman akong ma-iblog kaya sasabihin ko sa inyo yung mga favorite kong pinapanood. 

5. Chuck. Ito yung pinakaunang show na pinanood ko na talagang nahooked ako. Ang ganda nito kasi secret agents yung mga bida tapos comedy pa.

A simple guy named Chuck accidentally “installed” a program in his mind by watching a video sent to him by his bestfriend, who happens to be a spy. A human mind cannot handle that kind of “program” pero dahil bida at matalino si Chuck, keri! He became the most genius spy.

4. How I met your Mother. Ang ganda ng mga characters dito. Lahat sila magugustuhan mo especially si Barney. Lahat halos ng lines nya, nastuck na sa utak ko gaya ng “it’s legen…wait for it …dary.” Perfect para sa akin yung ending ng tv show na to dahil makatotohanan sya, kwentong barkada.

3. Breaking Bad and Better Call Saul. Ito rin ang masasabi kong natuwa ako sa pagiging criminal ni Heisenberg at inis na inis ako kay Skyler. Kahit na mabuti pa yung hangarin ni Skyler, panira sya sa masamang balak ni Walter eh. Gusto ko rin si Saul. Kalevel ng show na to yung Better Call Saul.

Chemistry Prof yung bida, na nagka-lung cancer. Gusto nyang magkaroon ng future yung family nya, kaya naman naisip nyang magside line. Nakilala nya si Pinkman na puro “yo, Mr. White” ang alam sabihin at nakagawa sila ng halos close to perfect na meth. 

2. Stranger Things. Yep, maganda yung palabas na to, pero number 2 sya dahil masyado pang maaga dahil season 1 pa lang sya. Nakakatuwa lang na ang mga bata yung bida at ang galing nilang umarte. Ang ganda din ng theme na 80’s, pangthrowback thursday ang feels.

Para lang syang The Big Bang Theory kasi apat na nerds ang bida na mahilig sa D&D.

Nawala yung friend nila na si Will at dun umikot ang story ng season 1. Nalaman nila na may iba pang mundo liban sa mundo nila, which is the underworld. Nakilala nila si EL, short for Eleven na nakarating na sa Underworld. Sa tulong ng matatanda(hehe) at ng makapangyarihang si El, naretrieve nila si Will from the underworld.

1. The Big Bang Theory. Ito yung kahit ulit ulitin ko yung mga episodes, tawang tawa ako. Very, very light lang sya. Di mo kelangan manghula. Kung malungkot ka, panoorin mo to, any episodes, di mo kelangan masimulan. Pramis, isang episode, ok na.

Fave ko – ShAmy, of course! Pati si Rajesh.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s