Ang pangarap kong jackpot!

Tagal ko ng di nagsulat ah!

Naging busy po kasi ako. Marami naman po akong nagawang Vlogs kasama ng asawa ko. Sa ngayon po, may apat na akong nagawa, puro kalokohan lang ang topics. 

Ano nga ba ang pinagkaabalahan ko?

Nagstart kasi akong mag-ayos ng papers para sa studies ko. Opo, nagbabalik eskwela ako. Gustong-gusto ko talaga kasi na maging teacher. Natutuwa kasi akong magturo. Naiisip ko na ishare yung mga kapalpakan ko nung student pa lang ako, at nais kong malaman ng mga student na hindi purke nagfail ka, wala na. 

Ako mismo, takot ako magstep forward, parang mabilis akong panghinaan ng loob. Lagi kasi akong nagpefail – yung tipong andun na ako, biglang may mangyayari tapos wala na, hihinto na ako. Malulungkot ako ng ilang linggo. Minsan, naiinis ako sa sarili ko kapag hindi ako lumalaban para sa pangarap ko. Madalas, nasasabi ko sa asawa ko yung takot ko sa pagkabigo, pero never akong iniwan ng asawa ko. Lagi lang sya nandyan para suportahan yung mga pangarap ko.

Anyway, ang haba na naman. Haha. Nagtake ako ng exam sa UPOU. Noong nakita ko yung exam, sabi ko buti open resources. May article na babasahin tapos exam na 5 items. BAGSAK AKO DITO! Meron din parang essay na sinagutan ko according sa pananaw at paniniwala ko. Alam ko may about sa opinyon yun. Ipinaliwanag ko dun na hindi ko hahayaan na masira ang pagkakaibigan over an issue na di naman na dapat pinag-aawayan. Basta something like that. Basta ang say ko lang dun, parang kung ibibigay ko ang opinyon ko, sa classroom yun. Di na dapat ilabas pa sa isang social gathering. Dapat kamustahan ng tungkol sa buhay at wag na isali yung mga bagay na makakasira lang sa okasyon. Basta ganern. Nalimutan ko na.

Pinaexplain din sa akin kung anong masasabi ko sa exam. Sabi ko, mahirap sya. Hahaha. Parang designed sya na ganun kahirap, na hindi porke online ang pag-aaral e, madali na. Dapat focused ka lang.

Parang inexpect ko na na bagsak ako nun. Naghahanap na nga ako ng course sa AMA kasi nainteres naman ako sa Multimedia Video and Music na short course nila. Nacurious din kasi ako sa art ng movie making. Isa din kasi ito sa mga interests at love kong gawin.

Nagdadasal ako nun na “Lord, di ko po alam talaga kung papasa ako. Kayo na po ang maglead kung san ako dapat.” Di ko na talaga hiniling na pumasa ko, basta kung saan Nya ako dalhin, susunod talaga ko.

Dumating na yung November. Sabi kasi sa November daw ilalabas yung result. Lagi akong naka-abang sa website ng UPOU. Iisa lang lagi yung name na nakalabas eh. 

December 1, which is today, ang start ng enrollment. November 28 na wala pa rin. 

Natulog na ako agad. Baligtad kasi araw ko. Natulog ako ng 8 AM after naming magdinner ng asawa ko. Usually, ang gising ko 5 PM to prepare breakfast at baon ng asawa ko. Biglang may sinasabi yung asawa ko na “Congratulation! We are pleased…” blah blah blah. 

Tuwang-tuwa talaga ako. Iniwan ko yung piniprito ko at napayakap ako talaga sa asawa ko. Una kong sinabi to sa Mama ko kasi excited yun na magteacher ako. Nasabi ko rin sa kanya kasi na parang di ako papasa at mahirap talaga. Sinabi ko din to sa friend ko nung college na si Lablee na blogger din ng Rice Cooker. Sinasabi ko kasi sa kanya lagi, na babagsak ako Lablee. Taga absorb ko sya ng negativity ko sa buhay. Hehe. Kaya nung pumasa ako, sinabi ko sa kanya. Excited kasi kami na makapasok sa UP. Dream come true talaga!

Syempre, nagshare din ako sa social media. Sorry, masaya talaga ako eh! Sobrang saya talaga na pumasa ako dun. Nakailang pasalamat talaga ako kay Lord. Naiiyak pa nga ako nun kasi di ko talaga alam na papasa ako!

Nag-enroll na pala ako ngayon. Online na ang lahat ng pangyayari! Sa January 7 na ang start ng class namin. Excited ako na natatakot kasi kailangan kong itodo. Nasa bahay lang naman ako kaya dapat galingan ko.

Sana matapos ko tong certification ko para magLET ako. Gagalingan ko talaga. Para to sa asawa ko na lagi akong sinusuportahan. At ibibili ko talaga sya ng Gundam sa unang sweldo ko. Wawaldasin ko talaga sa Gundam yung sweldo ko bilang pangbawi sa pagsusungit ko at future pagsusungit ko. 

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s