First time ko mag bake!

May nabasa akong article na pwedeng pwedeng magbake gamit ang turbo oven/broiler. Noong nalaman ko yon, kinuwento ko sa asawa ko at sayang saya kami. Hahaha. Pasensya, basta pagkain, gora talaga kaming dalawa.

Yung turbo, di namin sya nagamit.Regalo sya ng Ninong at Ninang namin. Sya nga pala, since two years namin syang di nagamit, pagbukas ko ng turbo, may laman na plantsa at mugs! Wow talaga sa surprise! Ang saya saya lang! Thank you, Ninang Cors. :*

Anyway, naisipan kong gumawa ng Banana Bread. Naghanap ako ng recipe sa net at ito ang nakita ko.

Sorry, di ko na makita website, but thank you sa nagsulat ng article! Sobrang yummy ng banana bread! 

May konti lang akong iniba na ingredients kasi di available at gabi na, wala na akong bibilhan.

Ingredients:

3/4 cup white sugar

1 1/2 cup flour

3 teaspoons double acting baking powder

1/3 cups melted margarine (butter dapat kaso ito lang available)

pinch of salt

2 medium eggs

1 teaspoon vanilla extract

3 over ripe bananas

Basta same procedure, ang gamit ko lang yung Turbo.

Pre heat turbo, grease mo ng butter yun loaf pan mo para mabilis at madaling alisin yun bread pag luto na. 

Mash mo yung bananas using fork. Add eggs and butter. Add salt, vanilla extract, sugar, baking powder. Add the beaten eggs tapos yung flour. 

Bake it for 50-60 minutes or until toothpick comes clean (sa center ng bread ka mag tusok ng toothpick at siguraduhing di gamit na toothpick ang gamitin ha!) 175 degree C or 350 degree F.

Tadaaaa!

Mukhang sunog pero hindi. Hahaha. Pasensya. Sa susunod aayusin ko na.

Anyway, I hope bigyan nyo ako ng recipe ha? :*

Merry Christmas sa inyong lahat!

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s