Kwentong Cookies

Hello ulit!

Natatakot ako sa bills ng kuryente namin this month. Sobra ang paggamit ko ng turbo broiler ngayon. Parang araw-araw nagbebake ako, kaya nakakatakot. Pipigilan ko na, dapat once a month lang ang baking.

Kahapon, 6 PM ako nagising. Mga 3 PM na ako nakatulog. Usually, 10 AM tulog na kami ni Ber. Eh, naadik kami ngayon sa Sense8 sa Netflix. Tapos, baliktad ang araw namin. Kaya after kong magprepare ng breakfast ni Ber at baon nya for work, tulog na naman ako. From 8 PM to 3 AM tulog na tulog ako. Pagkagising ko, nagpanic ako kasi di ako prepared sa lulutuin ko. Lagi kasi ako may naiisip ng lutuin bago matulog eh. Ang naisip ko agad, magdefrost ng manok at mag marinade.

Ayan, medyo nahihilig ako sa rosemary. Mas gusto ata ni Ber yun thyme. Ang maganda kasi sa spices, less yung salt na e. Iniiwasan ko kasi ngayon yung salty food. Bale itong chicken breast, namarinade ko sa rosemary, s&p, paprika at worcestershire sauce.

Nagpansear lang ako ng namarinade na chicken tapos nirest ko lang dyan.

Medyo mahina kumain ng kanin yung asawa ko ngayon. Dati kulang pa sa amin yung 3 cups ng uncooked rice e. Ngayon, umaabot na ng dalawang araw. Nag fried rice na lang ako tapos nilagyan ko ng mixed veg na di nawawala sa fridge. Haha. Lagi kaso chicken breast at mixed veg ang laman ng fridge namin. Iniiba iba ko lang luto.

Habang niluluto ko yan, nagmimix din ako ng cookie dough. Oatmeal Chocolate Chip ang naisipan ko.

Medyo sobra yung nagawa ko at di kasya sa cookie jars namin kaya nagbigay din ako sa land lady namin. Mainit init pa nga noong iniabot ko sa kanya. 

Yung recipe pag perfect na. Gusto ko kasi yung di ganun katamis. I will post it soon, promise. 🙂

Yesterday

Parati ng nagrereklamo si Ber na masakit yung tuhod nya. Alam ko naman yung pain ng mataas ang uric acid bilang nurse ako (naks!) Anyway, bilang nurse ako, naggoogle ako hahahaha. Naghanap ako ng food na pwede kong ipakain kay Ber. Pinagsabihan ko sya na wag munang magcoffee kasi nakaka 5 na cups a day na sya. Ganyan din ako dati, yung parang nakakainis yung sakit sa tuhod na nawala nung iniwasan ko yung coffee. Huminto na kasi magyosi ang asawa ko (and I commend you for that my love). Ayun, nag-adik naman sa coffee. So, hininto muna nya at sabi ko magtwinnings na lang inumin nya.

Balik tayo sa nasearch ko, dapat daw mga beans, tuna, fishoil, orange, dairy, avocado, broccoli ang ipakain. Punta agad ako sa palengke para maghanap ng iluluto.

Bumili ako ng broccoli at naisip ko na iluto sa cream.

Tapos ito, tuna na 240 per kilo.

Nilagyan ko ng lemon at rosemary tapos konting s&p. May garlic din.

Tapos syempre, nagmassage ako ng tuhod ni Ber. Nilagyan ko ng salonpas gel, tapos warm compress na din. 

Paalam na muna. Sinusulit ko na blogs ko ngayon kasi pasukan na sa 7! Excited na ako na tinatamad din. Wahaha.

Emsaymada

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s