Adjustment period is over

Yehey! Nakapag-adjust na ako! Proud akong sabihin na ang bilis ng adjustment ko going back to school. Although online yung course, mahirap pa rin sya kasi you need to learn on your own. 1 week ago, 12 hours akong nakatambay sa notes. Ngayon, nagegets ko na. Nagmamanage na ako ng time ko at iniintindi ko yung objectives ng modules. Dun ako nakafocus. 

Medyo hirap ako nung una kasi lahat ipiprint ko tapos babasahin ko, pero di naman pala need.

Ngayon, nakakapagluto ako para sa asawa ko, tapos nakakapaglaba, nakakapaglinis, nakakapagbake, may limited time for blogs and social media. Thank you, Lord!

Anyway, may story pala ako sa latest out of town trip namin ni Ber. Nasa Facebook page pala ng The Rice Cooker Chronicles yung Vlog no. 8 namin. Pero ipopost ko pa rin dito kasi gandang-ganda kami sa lugar. Yung tipong mapapangiti ka bigla sa ganda ni mother nature. Thankful kami na ikinasal yung pinsan ko, kung hindi, di pa rin kami nakarating sa Camiguin.

Siguro, I will get into details (itinerary and the likes) once na matapos ko yung module ko sa EDS 103. Actually, tapos ko na sya, need ko na lang magsend ng paper.

Kwento ko na rin yun naexperience naming flash flood sa CDO. Yep, we were in Limketkai mall when the flash flood happened. Grabe ang nerbyos ko nun. Sinuong namin ang gabewang na baha para lang habulin ang flight only to find out na wala talagang madaanan ang taxi. Nacanceled ang flight pero grabe ang call queue sa cebupac. Good thing we havr friends to help us through. Naikonek kami kay Maina ng cebupac. Thank you, Maina! Naghintay sya ng 1 hour para i verify yung information about sa flight namin. Three way call kasi ginawa nung bestfriend ni Ber na si Carlo. Bale nakaoff yun phone ko to save the battery kasi wala talagang kuryente. After 1 hour, dun ko pa lang na turn on yung phone ko at sunod sunod yung message ng friends namin na they are waiting for our response.

Salamat din ng marami dahil may isang anghel sa pamamagitan ni manong taxi driver na inihatid kami sa airport. Fully booked lahat ng hotels tapos tumambay kami sa hagdan malapit sa 7 eleven.Lamig na lamig kami ni Ber at nakatulog kahit na basa kasi wala pa kaming tulog at sa pagod na rin siguro namin kakalakad sa baha. Ayun nga, biglang tinanong si Ber ng taxi driver kung san sya pupunta. Tinanggap naman siya ni manong driver. Thank you po talaga! Dahil sa inyo, nakauwi kami na safe sa bahay. ๐Ÿ™‚

Blessed talaga kami kahit papaano. ๐Ÿ™‚

Next time na ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s